Chapter 25

123 17 35
                                    

JIN

TULALA akong nakatayo sa isang malaking salamin habang tinitignan ang hitsura ko. Nakasuot ako ngayon ng kulay pastel na gown na napapalibutan ng mga kumikintab na maliliit na dyamante. Ngayon na kami sasayaw, sa ballroom gaganapin ang sayaw namin, binago niya muna ang schedule at nakiusap na magpalit muna ang first subject namin sa subject niya. Umirap ako dahil sa kaartehan ni Ms. Vi, pwede lang naman sa practice room kami sasayaw na walang suot na gown at kolorete, pero ang gusto niya sa Ballroom para daw damang dama.

Habang tumingin ako sa hitsura ko ay bigla na lamang ako nakadama ng lungkot at pagkaisa, dahan dahan kong iniangat ang palad ko upang hawakan ang maliit na kulay pilak kong korona at malungkot na tumingin sa mga mata ko. Marahas akong umiling nang bigla na namang naglaro sa isip ko ang nangyari sa buhay ko noon. Bumuntong hininga ako at isinara ang makeup set ni Kia na ninakaw ko lamang sa kwarto niya. Sinuri ko ang mukha ko kung balanse ba ang pagkakalagay ko sa mga ito.

Alas sais na ng madaling araw ngunit himala dahil tulog pa si tita, ako pa ata siguro ang gising sa baranggay namin. Lumabas ako at maingat na pumasok sa kwarto ni Kia.  Nahihirapan pa ako dahil sumasabit sa pinto ang suot kong gown. Bobo ko naman, ba't ba ako nag suot agad. Dahan dahan kong binuksan ang maliit niyang drawer at doon ko maingat na inilagay ang makeup set niya.

Nang makalabas na ako ay agad kong kinuha ang bag ko at hinubad muna ang suot kong gown at nag uniform na lang. Pinasok ko sa isang hindi kalakihang bag ang baro ko at wala na akong pake kong magugusot na ito. Bumuntong hininga muna ako habang pinagmamasdan ang hitsura ko sa salamin, naka suot ako ng kolorete at naka bun ang buhok ko na may takas na kulot na buhok sa gilid ng mukha ko. Para ko nang kinokopya ang style ni Vianca o di kaya'y contestant sa pageant.

Lumabas na ako ng bahay at tumingin sa oras alas sais kinse na ng umaga, tumingala ako sa bahay at napakunot ako ng noo. Hindi pa gising si Kaivin, bahala siya sa buhay niya. Dahil nag mamadali na ako ay alam kong hindi ko na maabot agad ang paaralan kung mag skateboard lamang ako, kaya pumunta ako sa hintuan ng jeep at sumakay do'n. Nagtataka ang mga taong tumingin sa akin ngayon sa loob ng jeep, lalo na ang batang babae sa harapan ko na para bang matatanggal na ang bibig niya dahil sa pag nganga nito. Nang huminto na ako sa Claiford High ay agad kong ibinigay kay manong ang pamasahe ko ngunit tumanggi lamang siya.

"Ayay, huwag na! Libre na lang, Miss!" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Seryoso ka ba sa sinasabi mo?" Tanong ko, ngunit alam kong pabor naman sa 'kin 'yun para makatipid ako pero may pamilya din siyang binubuhay. "Oki na oki lang! O di kaya'y piso na lang ibayad mo at suklian kita ng isang daan!" Ngiti niya. Napangiwi ako at pilit na ibinigay sa kaniya ang pamasahe ko at bumaba.

Nakayuko akong tumakbo at tumingin sa wrist watch ko. Malapit nang mag alas siyete. "Tingnan mo nga naman" pag tungtong ng alas siyete ay pupunta na kaming lahat sa Ballroom. Medyo natagalan pa kasi ako dahil sa pagtatalo namin ng driver na 'yun. Dali dali akong tumakbo at hindi na pinansin ang mga tingin sa mga tao sa paligid ko. Halos liparin ko na ang c.r. para makapagbihis na lamang. Napatigil ako sa paghubad ng uniform ko nang may narinig akong isang eleganteng musika galing sa ballroom, nanlaki ang mga mata ko't napagtantong nagsisimula na sila. "Puking inang, buhay to" Hindi naman dapat ako makaramdam ng ganito ngunit hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil para akong atat. Nang matapos ako ay nilagay ko ang uniform ko sa bag at iniwan muna iyon sa c.r. agad akong lumabas ng banyo habang suot suot ko na ang kulay pastel kung baro, hinawakan ko pa ito upang makatakbo ako ng mabilis sa hallway.

"Oh, my god"

"Wait a sec..."

"She's familiar, transferee?"

"Taray parang prinsesang tumatakbo sa kaniyang kaharian, hahaha!"

"Hingi'n mo number!"

"Shit, nakabukas!"

I Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon