CHAPTER 23 — Tuturuan Kita
"Ang bagal mo." Bulong sa akin ni Conrad nang lumabas ako ng kwartong bihis na bihis sa aking bistida at doll shoes. Nginusuhan ko siya at sinilip ang baba. Rinig na rinig mula roon ang halakhak ni Tita Enrica.
"Sorry naman. Na-late ako ng gising eh." nakanguso kong sagot at hindi na sinundan pa ng mas mahabang eksplenasyon dahil ayokong may malaman pa siyang iba.
"Nagpuyat ka?" Tanong niya matapos ilagay ang dalawang kamay sa bulsa. Parang nabasa niya ang nasa isip ko at iling lang ang sinagot ko.
Inilingan niya rin ako, kagaya ng ginawa ko. Tumawa siya matapos at dumiretso na kami pababa ng hagdan. Kahit na sinabi kong kapatid ko si Conrad at dapat lang na nagtutulungan kami sa aming mga problema, hindi ko pa rin madala ang sarili ko sa posisyong sinasabi ko sa kanya ang lahat ng tungkol sa mga pinagdadaanan ko.
I was thinking of what happened this past week las night. Lahat ng pangyayari at eksena sa bawat araw. Parang tanga lang kung titingnan ang mga ito. Monday, I was shocked with Vans' new and strange approach to me. Tuesday was when he asked me to watch him play basketball. Iyon din ang araw na narinig ko kay Lorenzo na gusto niya ako at nagsimula akong maghinala ako sa mga ngiti ni Vans. Wednesday, I was absent from school with no valid excuse for the first time. Thursday was like any other boring day. And Friday, Vans was back to his normal snobbish self. Ang daming nangyari sa isang linggo at napagod ako roon. Kaya hinintay ko talaga ang araw na ito para makapag-relax kasama si Tita na ngayon ko lang ulit nakita matapos ng ilang taon.
"Oh, there they are!" Utas ni tita nang mamataan kami ni Conrad na pababa ng hagdan. Simple lang ang suot ng kambal ko kumpara sa akin na medyo pinaghandaan. Naka blue v-neck siya, pants, at sneackers. Si tita talaga ang inisip ko nang namili ako ng aking susuotin. Tita Enrica always follows the recent trends at ebidensya roon ang mga nakikita kong pictures niya sa Facebook tuwing bibisitahin ko sila roon. Silang pamilya ay hindi nagpapahuli at dahil na rin siguro sa kilala silang tao sa bansang tinitirhan nila ay sumusunod sila sa uso. Kaya naman kahit papaano ay inayusan ko ng maigi ang sarili ko. Hindi ko naman inalis ang pagiging simple ko sa sariling paraan.
"Ang ganda ganda talaga ni Celine, Enrico. You should take care of your daughter if she's this beautiful." Nag-init ang pisngi ko sa kanyang papuri. Bumaling siya kay Conrad. "You must take care of your twin sister, Conrad." Utos niya sa kapatid ko gaya ng sinabi niya kay Papa.
Tikhim ang ngisi ni Conrad at inirapan ko siya. "Kung alam niyo lang, tita. Maraming nagkakandarapang lalaki diyan." Aniya at parehas na nanlaki ang mga mata nina Papa at Tita. Hinanap ko si Lola at narinig ko mula sa kusina ang boses niya na kausap si manang. Dali dali kong kinurot ang tagiliran ni Conrad at suminghap siya sa sakit.
"No, Tita! Hindi po 'yon totoo." Giit ko para lang mawala ang gulat sa kanilang mga mata. Nakakainis talaga itong si Conrad!
Tumawa si Conrad sa tabi ko at sininghalan ko siya. Nakitawa na rin si Tita at si Papa na akala ko ay pagagalitan ako.
"It should be that way." Ani tita. "But you are still young, Celine. 'Wag na munang magbo-boyfriend huh?" Aniya sa akin nang nangingisi.
Sinang-ayunan siya ni Papa at may mga hinabilin sa amin bago kami umalis. "Osiya. Mag-iingat kayo. Dito ka na mag-dinner, Enrica." Sabi ni Papa.
"Oh, no. Sa labas na kami kakain, Enrico. This is the first time and this might be the last." Ani tita.
Nang makaalis ay dumiretso ang sasakyan sa isang bakery restaurant. Kami ni Tita Enrica ang magkatabi sa likod ng sasakyan habang si Conrad ay katabi ng driver sa harap. Panay ang kwento ni Tita sa mga gusto niyang puntahan bago kami makarating ng restaurant para sa breakfast.
BINABASA MO ANG
Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)
Teen FictionCeline Marie Ricaverte doesn't have to choose. Sa una pa lang naman kasi ay kilala na niya kung sino ang kanyang pipiliin pagdating sa dalawang lalaking hinangaan niya. It was just a simple crush. Pinagkukumpara niya ang dalawa minsan pero kahit na...