Chapter 2

2.1K 56 3
                                    

CHAPTER 2 — Notebook

“Kumusta?” tanong ng kapatid kong si Conrad.

Ngumiwi ako sa tanong niya. Kung makatanong ng kumusta eh parang hindi kami nagkikita araw araw.

Niyakap ko ang libro kong nanggaling sa locker. “Ayos naman.” Sagot ko sa kanya.

Baliw ang kambal kong ito. Kaya nga hindi ko na lang masyadong pinapatulan. Ako rin kasi ay nababaliw kapag kasama ko siya.

Ngumisi si Conrad sa akin at tinaasan ako ng kilay.

“Weh? Ayos na ayos kasi nandoon si—”

Tinakpan ko agad ang mukha niya ng libro ko. Natigil siya sa pagsasalita at nang tanggalin ko ang libro ay nakasimangot siya.

“Shut up, Con! Baka marinig ka ng ibang tao.” Saway ko sa kanya. Niyakap ko ulit ang libro.

Sinabayan niya ako sa paglalakad kahit na nalagpasan na niya ang room niya.

“Sus! Malalaman din naman nila 'yan eventually. Seatmates?” Tumawa siya ng malakas. “I wonder what your face looks like when you’re seating with them.” Aniya at hindi tinigilan ang paghagalpak sa tawa.

Inirapan ko na lang siya. Walang ibang nakakaalam. Well, bukod dito kay Con at sa best friend ko na lumipat na ng school. So, wala na talagang ibang tao maliban sa aming tatlo ang nakakaalam na crush ko ang magpinsan.

“Buti na lang hindi kita kaklase. Buti na lang kapatid kita.” Bulong ko na pinarinig pa rin sa kanya.

“Pasalamat ka talaga. 'Yang si Vans, naku! Oras na malaman niyan na kinahuhumalingan mo siya, tingnan natin kung kausapin ka pa niya.” Bulong niya rin at salamat naman dahil sinunod niya akong 'wag masyadong mag-ingay.

Hinarap ko siyang muli. Nasa tapat na kami ng classroom ko.

“Kung tatahimik ka, hindi niya malalaman. Hindi rin mangyayari na hindi na niya ako kakausapin. Kaya 'wag kang maingay dahil kung hindi…” Binigyan ko na ng nakakalokong tingin.

Agad na nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Ngumisi ako. “Ipagtatapat ko kay Elaine ang sekretong feelings mo para sa kanya.” Nilabas ko ang aking alas.

At nang marinig iyon ni Conrad ay natahimik na siya at namula. Ako naman ang humagalpak sa tawa. Tiningnan ko kung paanong namumulo ang pisngi at tainga niya.

Tinalikuran ko na bago pa ako masapak ng kakambal ko. Mahirap na at bayolente pa naman iyon pagdating sa akin.

Iniwan ko siya at pumasok na sa aking classroom. Second week. This should be easy by now. Tiningnan ko ang dalawang lalaking nakapwesto na sa kaliwa at kanan ng upuan ko. Ang isa ay nakalingon sa likod at nakikipagtawanan sa mga kaklase namin, babae at lalaki. Ang isa naman ay kunot noong nakatingin sa may blackboard.

Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon