CHAPTER 21 — Yeah, You
Panay ang ikot ko ng pen sa aking daliri. Ilang minuto na lang ay uwian na at nagbibigay na lang ng assignment ang aming huling guro. Ang katabi kong si Vans na nagyayang manood ng practice game nila ay hindi na ako iniimik mula pa kanina. Gusto ko namang kausapin si Lorenzo pero heto siya at tahimik lang din sa tabi ko. Humantong ako sa desisyong kausapin na si Lorenzo.
“Uh, Lorenzo, sure nang wala sa weekend ah. Kasi dumating 'yong tita ko galing abroad at aalis kami kasama si Conrad.” Kinakapa ko ang mga salita at hindi ako huminto hanggat hindi tapos. Napatingin siya sa akin at may kunot sa noo niya. Mabilis din naman iyong nawala.
Inaasahan ko ang ngiti ni Lorenzo pero hindi iyon nangyari. Kumislap lang ang mga mata niya nang tingnan ako. “Alright. Pag-usapan na lang natin kung kailan natin itutuloy. Finishing na lang naman eh. We’ll not run out of time dahil masyado tayong advance kesa sa kanila.” Aniyang tinuturo ang mga kaklase namin. Ngumuso ako sa katabangan ng tono niya.
Tumango ako sa kanya para sumang-ayon. “Okay.” Ngiti ko. Pasalamat talaga at sinimulan namin agad ang project na ito.
“Manunuod ka ng practice namin mamaya?” Tanong niya at sinilip si Vans. Narinig niya ang usapan namin kanina.
Tinagilid ko ang aking ulo at tumingin sa guro namin para magsalita ng hindi tinitingnan si Lorenzo. Baka masuway pa kaming dalawa. “Yup. Sabay kaming uuwi ni Conrad kaya hihintayin ko na lang siya. Sana pwede.” Sabi kong hindi sinama sa rason si Vans. Alam kong kaya ako manonod ay dahil nagyaya siya pero baka kung ano pang isipin ni Lorenzo roon.
“Hihintayin mo kasi si Conrad? Talaga?” May tunog ang ngisi niya at napalingon ako roon. “Papayagan ka naman siguro. Two hours ang inaabot ng practice but since Conrad is your brother, siguradong pwede.” Aniya. “Mabait si Coach Henry kay Conrad.” Aniyang may bahid ng pagseselos ang boses.
Tiningnan ko siyang maigi kung nagbibiro ba siya at tama ako nang mahina siyang tumawa. Napangisi na lang dahil sa wakas ay ngumiti ulit siya.
Nagpaalam ang aming guro at nagtayuan ang lahat para magpaalam rin sa kanya. Nagkagulo ng lumabas na ito ng classroom namin at isa isa nang nagsisilabasan ang mga kaklase ko kasama ang mga gamit nila.
Lumapit ako sa mga kaibigan kong hindi ko na masyadong nakakasama dahil busy sa Math Circle at iba pa. “Roan.” Tawag ko sa isa sa kanila.
Tumaas ang kilay ni Roan at nakaipit sa dibdib niya ang dalawang libro.
“Sama ka sa akin? Kayo ni Marian. May practice sila Conrad at manonood muna ako para hintayin na rin siya.” Nangingiwi akong ngumisi, naninibago sa kaibigang niyayaya ko. Hindi pa ako gaanong sanay sa kanila kahit noon pa man ay kilala ko na sila. Masyado akong na-focus ng isang kaibigan lang. Pero ngayong wala na siya ay kailangan ko nang makipagkaibigan sa iba.
Kuminang ang mga mata ni Roan pero siniko siya ni Marian na kararating lang ngunit narinig pa rin kami. “Sayang naman 'yan!” Utas Marian. “Eh gagawa pa naman kami ng project.” Ngumuso siya at nagpabalik balik ang tingin sa akin at kay Roan. Si Marian ay matalino at masipag. Siguro ay nagdadalawang isip itong gumawa o manood na lang.
BINABASA MO ANG
Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)
Fiksi RemajaCeline Marie Ricaverte doesn't have to choose. Sa una pa lang naman kasi ay kilala na niya kung sino ang kanyang pipiliin pagdating sa dalawang lalaking hinangaan niya. It was just a simple crush. Pinagkukumpara niya ang dalawa minsan pero kahit na...