CHAPTER 44 — Pustahan
"That looks good on you." Utas ko kay Vans nang idikit niya sa kanyang balat ang tie na kanyang napili. It's a simple champagne colored tie at wala na itong ibang disenyo. Kagayang kagaya ng shade na ito iyong long gown na isusuot ko.
Tumango si Vans. "We'll get this." Aniya sa saleslady.
Ngumisi ang babae sa kanya at napansin ko pa ang pagpilantik ng pilikmata nito. Ngumuso at nagpigil na lang ako ng ngiti dahil kahit ang babaeng ito yata ay nabibighani sa munting ngisi ni Vans.
Hawak ni Vans ang paperbag kung nasaan ang binili niya sa kabilang kamay habang sa kabila naman ay ang kamay ko ang kapit niya. Nilakad namin ang buong mall upang makapamasyal ng kaunti. Ngayon lang namin ito nagawa. Hindi naman kami namili ng kahit ano at nanood lang sa mga tindahang aming nadadaanan.
"Do you want to eat first before I take you home?" Tanong niya sa akin nang may madaanan kami na restaurant.
Tiningnan ko iyon ngunit umiling ako. Naalala ko ang sinabi ni Papa na kakain kami mamaya ng sabay sabay sa bahay. Kahapon kasi ay na-late na kaming umuwi nila tita kaya hindi na kami nagkasabay. "Hindi na siguro. Magdi-dinner kami ng sabay sabay mamaya eh. Ngayon lang kasi kami nakumpleto, Vans." Sabi ko sa kanya, ang tono ko ang humihingi ng pasensya.
"Hmm." Nawala ang tingin niya sa akin.
"Pero kung gutom ka, you can eat. Juice na lang ako or something..."
Hindi niya pinansin ang sinabi ko at hinatak lang ako paalis doon sa tapat ng restaurant. Nagpatianod naman ako habang inaayos ang buhok ko sa isang balikat.
"Umuwi na lang tayo. Malapit nang mag-alas siete. Kapag na-late ka sa dinner niyo... baka magalit na naman sa akin ang papa mo." Ani Vans at nagpatuloy sa pagmamadali.
Ilang gabi na rin siyang napapagalitan ni papa dahil hindi nagpapaalam sa tuwing may lakad kami o bibisita ako sa kanilang bahay. Pagkatapos kasi sa school ay hindi ko man lang magawang mag-text kayla papa o kahit kay Conrad na male-late ako ng uwi. Pero ngayon ay ginawa ko na 'yon.
Tumawa ako sa aming pagmamadali. Nasa exit na kami patungong parking area ng mall. Pinatunog agad niya ang sasakyan nang makalapit kami roon. "Nag-text naman ako. Nag-reply si papa na 'wag lang akong mahuli sa hapunan. He won't get mad." Sabi ko habang tinutulungan niya ako sa seatbelt.
Nakayuko siya sa akin at nasa labas pa rin ng kotse. Pinatong niya ang isang paa sa sahig ng sasakyan at humilig sa akin. "Kahit na. Baka ma-ban pa ako sa birthday mo." Humagikgik ako sa sinabi niya.
Tumawa rin siya at sinara na ang aking pintuan para sumakay na rin sa kabila.
Sa sumunod na araw ay maaga na talaga akong umuwi. Our driver fetched me. Naiwan si Vans sa school para sa meeting ng aming organization. I was excused from the club meeting. Nagpaalam ako kay Ms. Esperanza kanina dahil kailangan kong umuwi ng maaga para sa mga paghahanda para sa aming kaarawan. Bukas ay walang tutorial dahil katatapos lang naman ng examination at hindi pa nagsisimula ang mga bagong lesson.
Bukas na rin magaganap ang aking kaarawan at inaasikaso ngayon ang mga huling detalye para rito. Pag-uwi ko ay niyaya agad ako ni tita na umalis muli para magpa-salon. She said we need to freshen up. Lalo na raw ako. Kaya naman kaming mga babae ay ginugol ang nalalabing oras ng hapon sa salon para roon.
Sa umaga ay hindi ko napigilan ang paggising ng mas maaga. Umupo ako sa kama na medyo ninenerbyos sa hindi ko malaman na dahilan. Kaarawan ko na ngayon. This is my day! At isang taon na naman ang nadagdag sa aking buhay.
BINABASA MO ANG
Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)
Teen FictionCeline Marie Ricaverte doesn't have to choose. Sa una pa lang naman kasi ay kilala na niya kung sino ang kanyang pipiliin pagdating sa dalawang lalaking hinangaan niya. It was just a simple crush. Pinagkukumpara niya ang dalawa minsan pero kahit na...