CHAPTER 26 — Tomorrow
Katakot-takot na pagalit ang inabot sa akin ni Conrad nang hilahin ko siya palayo sa mga kasama naming sina Roan, Marian, Lorenzo at ang ka-team nila na si Eiji. Nasa labas na kami ng canteen at pinilit kong magpahuli sa paglalakad para pagsabihan si Conrad.
“Dapat 'di ka na nagsalita kanina. Nakakahiya.” Singhal ko sa kanya.
“Mas nakakahiya kung ipapakita mo sa kanya 'yang mga kaartehan mo. Sana naisip mo 'yon bago ka nawalan ng gana kumain kanina.” Aniyang walang pakealam sa mga pinagsasabi ko.
Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili habang nakapikit. Bakit ba minsan tama ang mga pinagsasasabi ng kambal kong ito? Nakaka-stress dahil matalino siya pero hindi naman niya nilulugar ang katalinuhan niya! “Ganun ka ba talaga kay Lorenzo? Ano bang problema mo sa kanya? Yes, maybe you’re right about me pero hindi mo siya kailangan supladuhan ng ganun dahil sa akin.” Mariin kong sinabi.
“Supladuhan? Saan banda ko siya sinupladuhan?” Tanong niya.
Hindi ko pinansin iyon. “Bakit ba kayo nagsuntukan noon?” Bumalik ang tanong sa isipan ko. I really didn’t know the reason behind their fight. Kung ako man talaga ang rason niyon, parang mahirap paniwalaan. Nasabi na niya noon na naasar siya nang sabihin ni Lorenzo sa kanya na gusto ako nito. He said he doesn’t want me for playboys like him. Pero sapat na dahilan na ba iyon para pag-initan niya si Lorenzo na puro kabutihan lang ang pinakita sa akin?
“It’s just a friendly fight, Celine.”
Natawa ako at hinarang ang dinaraanan niya. “Friendly fight? Pwede bang pagsamahin ang dalawang salitang 'yon? Niloloko mo ba ako?” tanong ko.
“Alright, alright.” Tinaas niya ang kamay na parang sumusuko. “I don’t like him for you, okay? Kaya ko siya sinuntok ay para ipaalala sa kanya kung sino ka at kung sino ang kapatid mo. He’s pursuing you, Celine. Nasabi ko na 'yan sa’yo noon. And I don’t like him for you. He’s too much for you.”
“Too much? What do you mean by that? And so what? Hindi naman porke gusto niya ako ay magiging kami na. I don’t get the point, Conrad. Kaibigan ko si Lorenzo. Magkasama naman kayo sa isang team. I’m sure you are also treating him as your friend. Bakit hindi mo na lang siya pagkatiwalaan?”
“I don’t know. Nag-aalala ako sa’yo.” Lumungkot at nagkaroon ng pag-aalala sa buong mukha niya. Ayaw ko man pero nakonsensya pa rin ako. He’s protecting me and I appreciate it. Pero kailangan niyang malaman na kung hindi niya kayang pagkatiwalaan si Lorenzo, at least give his trust to me.
“You shouldn’t be. Kaya ko ang sarili ko. Kaibigan ko si Lorenzo at may tiwala ako sa kanya. He won’t do anything to hurt me.” Utas kong nasa isip ay ang pinsan ng pinag-uusapan namin. “And you don’t need to trust him. You need to trust me. Kahit ako na lang, Conrad.”
Naiinis ako kay Conrad dahil imbes na maging mabait siya kay Lorenzo ay pinahihirapan niya ito. At sinong mas gusto niya? Si Vans? Yes, he mentioned that to me already. Mas gusto niya si Vans. Para sa akin ay mas gugustuhin kong 'wag na niyang pakealaman kung sino mang Pontio Pilato ang may gusto sa akin. Dahil mali naman ang pamimili niya. Kay Vans ako naguguluhan at sa tingin ko ay sa kanya rin ako masasaktan. I’ve felt that the day when he asked me to watch their game. Ang sakit isiping nakokosensya lang siya sa ugali niya sa akin noon kaya bumabawi siya. Hindi naman talaga ginusto ni Vans na yayain akong mapanood sila.
BINABASA MO ANG
Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)
Teen FictionCeline Marie Ricaverte doesn't have to choose. Sa una pa lang naman kasi ay kilala na niya kung sino ang kanyang pipiliin pagdating sa dalawang lalaking hinangaan niya. It was just a simple crush. Pinagkukumpara niya ang dalawa minsan pero kahit na...