Chapter 12

1.5K 45 4
                                    

CHAPTER 12 — Crazy Like Us

Marami ang nakapasa. Sa mga tinamaan kong papel ay dadalawa lang ang hindi nakaabot sa quota grade. Pero ilan na lang ay makakapasa na ang dalawa at itatanong ko na lang kung pwede bang ma-excempt na lang sila at isali na rin. Tutal naman ay kaunti puntos na lang ay papasa na sila.

“So, ano nang meron sa inyo ni Vans?” tanong sa akin ni Elaine sa video call. Nakatapos na akong mag-check nang tumawag niya. Kaharap ko ang aking laptop kung nasaan ang mukha niyang nakangisi sa akin.

“Wala, Elaine. We are… just friends.” Sabi ko. Dumaan sa aking isipan ang sinabi ni Vans na ‘girl friend’ pero hindi ko na binanggit ang detalyeng iyon kay Elaine.

“You should have at least try to make him like you, Celine.” Aniya.

Nagtaas ako ng kilay at tamad na pumangalumbaba sa harap niya. “What for? 'Di ba nga pinapahinto niya ako na magustuhan siya?” Sabi ko.

And that’s true for me starting tonight. Tama nga na 'wag kong ituloy ang pagkakagusto kay Vans.

“But he wants you to be his friend. Bakit? Dahil gusto niyang makabawi. Bakit? Dahil ayaw niyang galit ka sa kanya. Bakit?” Magkakasunod na sabi niya at naintindihan ko agad ang pinupunto niya.

“He doesn’t like me, Elaine. Kung gusto niya ako ay hindi niya sasabihin sa aking walang patutunguhan ang paghanga ko sa kanya. He already said it. It came from his mouth. Ayaw niya sa akin.” Kahit sa sarili ko ay pinapaintindi ko iyon. Hindi lang si Elaine ang kausap ko rito kundi pati na rin ang puso at utak ko.

“I just don’t understand everything. Bakit kasi wala ako diyan? Hindi ko tuloy nakikita ang mga kilos niya kapag magkasama kayong dalawa.” Ngumuso siya at umirap.

Kahit ako ay gustong nandito siya. “Puwes wala, Elaine. You won’t see anything dahil wala siyang pinapakitang kakaiba bukod sa gusto niyang magkasundo kaming dalawa ng walang ilangan. He’s just too serious about his life. Ayaw niya ng mga laro, Elaine.”

“You are not playing, Celine.” Ani Elaine sa akin. Pero tumahimik siya at tila may pinag-isipan.

“Oh, bakit?” Napatanong tuloy ako.

“Tell me, ano na bang level ng feelings meron ka sa kanya? Is it still the same as what you feel for Lorenzo?” Tanong niyang nagpatigil sa akin.

Umawang ang bibig ko at kahit gusto kong sumagot ay walang lumabas na salita mula sa bibig ko. What level are my feelings for Vans compared to Lorenzo? Una kong inisip kung ano ba sa akin si Lorenzo. Crush ko siya. Attracted pa rin ako sa kanya sa tuwing makikita ko ang mga ngiti niya. Natatameme pa rin ako sa pakikipag-usap niya sa akin. So, he is still my crush because he still affects me in some ways.

But for Vans? The only difference is that he affects me more than Lorenzo does. Sobra sobra na halos mahimatay na ako. Na halos ayoko nang maramdaman iyon. Na gusto ko na lang umiwas at tumakbo palayo sa kanya. At ang mas nakakaloka lang ay nagagawa iyon sa akin ni Vans nang walang ka-effort effort. Simpleng baling niya lang sa akin, simpleng salita lang niya, apektado na ako. Lorenzo still needs to show his killer smile just to get my attention. But for Vans, every move he does, kahit na hindi sinasadyang dampi lang ng mga balat naming dalawa, naghuhurumentado na ako.

Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon