CHAPTER 30 — I Am Choosing You
Hindi ang inaasahan ko ang nangyari kinabukasan. Tumapak ako sa loob ng aming classroom nang walang ibang nararamdaman kundi ang kabang bumabalot sa dibdib ko. Unang hinanap ng mga mata ko si Vans na nakaupo na sa kanyang armchair at may sinusulat sa kanyang notebook. Hindi siya nag-angat ng ulo at hindi niya naramdaman ang pagdating ko. Para bang ang isip niya ay naroon lang sa sinusulat niya habang ang buong atensyon ko ay nasa kanya lamang.
Nang makita ako ni Roan ay nagmartsa siya papunta sa akin. May kaunting kunot ang noo niya at humalukipkip nang nasa harap ko na siya. "Sabi ko sabihan mo kami ni Marian kapag nag-practice ang basketball team sa inyo eh." Aniyang nakanguso, naiinis at may panghihinayang sa boses.
Hilaw akong ngumisi. Bakit ko nga ba sila hindi tinawagan? Alam ko naman na maglalaro ang team sa amin gabi bago iyon mangyari. Nawala na rin sa isip ko sa rami ng nangyari kahapon.
"Sa susunod na lang." Utas kong nakangiti. "Hindi ko kasi alam saka nagulat na lang din ako. Hindi rin naman ako nanood eh." Kasinungalingan ang una kong sinabi ngunit katotohanan ang sumunod. Hindi ko naman talaga sila pinanood. Isang tao lang naman ang pinanood kong naglaro nang gabing iyon.
Tumango si Roan at nagpantay ang kanyang labi. "Next time ah." Aniya at sabay na kaming pumunta sa aming mga pwesto. Hindi naman siya nagalit o nagtampo. Ganito na talaga siya kahit noon pa noong hindi kami close. Balewala lang sa kanya kung nagkamali ka.
Ngayon ay sigurado na akong alam na ni Vans na narito na ako. Siguradong napansin niya ang aninong dumaan sa harap niya na nagpadilim ng sinusulat niya. Pero naupo na ako't lahat ay dedma pa rin siya. Nagawa pa niyang ibaling sa ibang direksyon ang sinusulat na para bang tinatago iyon sa akin.
Umirap ako sa kawalan. Bakante pa ang upuan ni Lorenzo. Humilig ako roon para magkaroon naman kami ng kaunting distansya ng lalaking nasa kanan ko.
This is not what I expected. Akala ko ay magsisimula na ang mga pangungulit niya sa akin kagaya ng inasal noong isang gabi. Akala ko ay sasalubungin niya ako sa pinto, ngingitian at kukumustahin ang araw ko. Akala ko ay ihahatid pa niya ako sa upuan o kakausapin niya ako hanggang sa dumating ang teacher. Ngunit nasa ikatlong klase na kami ay wala pa rin siyang ni isang salitang sinambit para sa akin. Puro paghinga lang niya ang rinig ko mula sa pwesto ko at ang mga munting galaw lang niya ang nagsasabing buhay naman siya at hindi isang estatwa na walang malay.
I think I assumed too much. Too much that I got so disappointed because it didn't happen.
Absent na si Lorenzo nang hindi na talaga siya dumating. Hindi na nakontrol ng utak ko ang bibig ko nang magsalita ito. "Bakit wala si Lorenzo?" Tanong ko habang nakatingin kay Ms. Esperanza.
It is obvious that I am talking to him. Nang walang sumagot at tiningnan ko na si Vans na nakamasid sa akin. Tinaas ko ang isa kong kilay habang ang mata niya ay sinusuri ang buo kong mukha. Nag-iwas siya ng tingin at abot abot ang hiya ko na baka napansin niyang nailang ako roon kahit na pinilit kong itago.
"May sakit. Napagod kahapon." Maikli at malamig na sagot niya.
Imbes na magtuloy ang hiya ay kinunotan ko na lang siya ng noo. Siya ba ang kausap ko noong siya ay umamin o ibang tao iyon na kamukhang kamukha lang ni Vans? O di kaya naman ay na-possess siya ng kaluluwa ng isang taong may pagnanasa sa akin? Ngumiwi ako sa mga naiisip. Tumaas ang dugo ko nang maisip na niloloko lang niya ako. Marahil hindi pa sapat sa kanya ang larong basketball nang sila ay magpractice. Naisip pa niyang maglaro rin ng larong 'gusto kuno si Celine' upang mas malibang siya.
BINABASA MO ANG
Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)
Teen FictionCeline Marie Ricaverte doesn't have to choose. Sa una pa lang naman kasi ay kilala na niya kung sino ang kanyang pipiliin pagdating sa dalawang lalaking hinangaan niya. It was just a simple crush. Pinagkukumpara niya ang dalawa minsan pero kahit na...