CHAPTER 36 — It Will Be Worth It
Siniko ako ni Vans nang mairita sa aking mahihinang tawa. "I am funny, huh?" Tanong niya. Papasok na kami ng binuksan kong gate. Sa loob ng bahay ay siguradong naroon si Conrad at Lola. But I am not sure if my father is there. Ilang oras pa bago lumubog ang araw. Sabado ngayon ngunit nasa trabaho pa rin siguro siya.
"Nagugutom na ako. Pumasok na tayo at maghahanda ako ng pagkain natin." Sabi ko sa kanya. Cookies lang ang kinain ko kanina. Umalis kami ng school nang nakakain na ni Vans pero nakaramdam pa rin ako ng gutom. Siguro dahil naubos ang laman ng utak ko sa kakaisip ng kung anu-ano.
Ako na mismo ang nagtulak sa braso ni Vans para makapasok na siya. He's slowly walked to our door. Binuksan ko iyon at nabungaran ko agad si Conrad na nasa harap ng telebisyon.
Sumulyap siya ng isang beses at binalik ang tingin sa t.v. Pero bigla siyang nag-second look. "Vans!" Aniya at saka tumayo. Nilapitan niya si Vans at awtomatiko ang kanilang pag highfive.
"Si lola?" Tanong ko kay Conrad.
Nginuso niya ang kusina kung saan naman ito madalas nakikita.
"Papahanda lang ako ng pagkain." Naglalakad na ako ngunit lumingon pang muli. "Nakauwi na ba si Papa?" tanong ko ulit sa aking kambal. Vans is just standing there. Hindi siya nakatingin sa sino man sa amin. Nakatingin siya sa lugar ng hagdanan.
"Nasa taas." Sagot niya.
Ngumisi ako. "Pakitawag naman, Con. Someone wants to meet him." Sabi ko at kinagat ko ang aking labi. Why the sudden change? Hindi ko alam. Excitement is all over me. Gusto kong malaman ang reaksyon ni papa rito. Ang reaksyon ni Vans sa harap niya. Yes, I definitely wanted this.
Tumalikod na ako bago ko pa malaman ang pagbabago sa mukha ni Vans. He can wait there alone. Aasikasuhin ko lang ang aming kakainin. Siguro ay sa living room na lang sila mag-uusap. Coffee or tea would be fine. Iyon naman ang hilig ng mga lalaki.
Nakita ko si lola at manang na mukhang naghahanda na ng aming dinner. Pareho silang may ginagawa. Si lola ay naghuhugas ng sariwang isda.
"Celine, mabuti at maaga ka." Sabi ni lola.
Lumapit ako sa kanya. "Opo. Maaga pong natapos eh." Hindi ko na sinabi pa ang mga detalye ng aking hapon. "May makakain ba rito, la?"
Naghanap ako ng laman sa ref. Nakakita ako roon ng cake. Naghanap ako ng tsaa o kahit na kape sa mga cabinet.
"Magluluto pa lang ako ng hapunan. Gutom ka na?" tanong nito.
Tinagilid ko ang aking ulo para isenyas ang labas ng kusina. "May bisita po kasi. Uh... Si Vans, lola." Tinikom ko agad ang aking bibig.
Tumaas ang kilay ni lola. Binitiwan niya ang hinuhugasan at sinuri ang aking mga mata. "Hinatid ka niya?" Tanong niya.
"Yes po." Sagot ko naman.
Tinulungan ako ni lola na ihanda ang pagkain. Ang cake na si lola mismo ang nag-bake ang nilagay ko sa isang tray at brewed coffee na si manang naman ang gumawa. Lola let me change my clothes. Dumaan ako sa living room para sa hagdanan at doon ay nakita ko si Vans na nakasilip sa bintana. Mukhang hindi pa siya binababa ni papa. He didn't notice me kaya umakyat na lang ako ng tahimik.
Naghilamos ako para mapresko ang aking mukha bago ako nagbihis. Pumili ako ng pambahay ngunit maayos na damit. Vans is here to ask for my father's permission so he could court me. Kailangan bang mag-ayos ako dahil doon? I shook my head and thought that this is just for formality. Biglaan din naman ito. Kung masusurpresa sila dahil kay Vans ay hindi na ako magtataka. He's the first guy to come here for me.
BINABASA MO ANG
Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)
Teen FictionCeline Marie Ricaverte doesn't have to choose. Sa una pa lang naman kasi ay kilala na niya kung sino ang kanyang pipiliin pagdating sa dalawang lalaking hinangaan niya. It was just a simple crush. Pinagkukumpara niya ang dalawa minsan pero kahit na...