CHAPTER 19 — Useless
Mariin kong kinagat ang aking labi at kumuyom ang dalawang kamay ko sa ibabaw ng unan nang mapagmasdan ang nakikita ko sa laptop. O mas tamang sabihing, ang hindi ko makita sa aking laptop. Kanina ko pa hinahanap ang pangalan ni Elaine. Buong araw ng Linggo ata ay hinintay kong mag-online siya sa Skype o sa Facebook pero ilang oras na at wala pa rin. Hanggang sa ni-search ko na ang pangalan niya ngunit wala nang lumalabas. Ang huling kita ko pa roon ay noong Biyernes. Nabasa ko pa nga ang huling status niya pero ngayon ay wala nang Elaine Joy Mendoza akong makita. She deactivated her account.
Lumabas ako ng kwarto at binagsak ang aking pintuan. Maingay at baka narinig ni Lola ang ginawa ko pero sa sobrang inis ay wala na akong pakealam. Dumiretso ako sa katabing pinto ng kwarto ko. Kinatok ko iyon ng pagkalakas na baka pati kapitbahay ay narinig na ito.
“Conrad!” Tawag ko sa kapatid ko. Kumatok pa ako nang hindi naman siya sumagot. “Conrad! Bubuksan ko 'to ah!” Sigaw ko sa kanya at hindi na naghintay ng kanyang pahintulot.
Binuksan ko ang pinto at sa loob ay nakita ko siyang nakadapa sa kama habang nasa ulo ang dalawang unan. Patakbo ko siyang nilapitan at tinanggal ang mga harang sa kanyang ulo. “Alam mo bang nag-deactivate ng account si Elaine?” tanong ko sa kanyang parang hindi man lang niya narinig.
Hindi ko alam kung tulog ba siya o nagbibingibingihan lang. Hindi naman siya gumagalaw at nakakarinig pa ako ng mahinang hilik.
“Con…” Mas huminahon ang tono ko kumpara kanina. Umupo na ako sa kama niya at tinapik ang braso niyang nasa itaas ng ulo niya. Tulog pa nga siya.
Sinubukan kong galawin ang mukha niya para aking makita at nagtagumpay naman ako. I was shocked when I saw his face. Napakapula niyon.
“Conrad!” Doon na siya umungol. Ngumiwi ang mukha niya at kumunot ang noo. Lumapit ako sa kanya at inamoy niya. “Oh my god, naglasing ka na naman kagabi?” Halos nahurumentado na ako.
Bahagya niyang dinilat ang mga mata niya at tumingin pa sa akin. Pumikit din naman agad siya at nilipat sa kabilang direksyon ang ulo na para bang walang kwenta ang nakita niya. “Please don’t bother me, Celine. Lumabas ka na. I’m still sleepy.”
“Ang sabihin mo may hang-over ka!” Mataas ang boses kong sinabi. “What are you doing to yourself? Dalawang beses na kitang nakitang ganyan, Conrad. Alam ba 'to ni Lola?” Tanong kong binalewala lang niya. “Magsusumbong ako.”
“Then go tell her. Just leave me alone.” Aniya sa sumeryosong boses.
Huminga ako ng malalim kasabay ang pagpikit ng mata ko. “If this is about Elaine…” Naputol niya ako.
“Shut the fucking up, Celine!” Napadilat ako at nagulat sa biglaang pagtayo niya. Namumulang lalo ang mukha niya pati ang mga mata niyang matatalim akong tinitigan.
Bumilis ang paghinga ko sa takot sa pagsigaw at hitsura niya.
BINABASA MO ANG
Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)
Teen FictionCeline Marie Ricaverte doesn't have to choose. Sa una pa lang naman kasi ay kilala na niya kung sino ang kanyang pipiliin pagdating sa dalawang lalaking hinangaan niya. It was just a simple crush. Pinagkukumpara niya ang dalawa minsan pero kahit na...