CHAPTER 32 - Literal
Hindi ko makuha ang ibig sabihin ng nangyari. Sa pagkakataong ito ay ginawa ko ang lahat para lang mahanap ulit si Elaine. I asked several of our batchmates na friend ko rin sa Facebook. I tired finding her again on Google but still, nothing came up.
Hinaplos ko ang pisnging hinalikan ni Vans kanina. I was so shocked I didn't do anything but run away after he said goodbye. Masyado akong nagulat at nahirapang intindihin ang mga pangyayari. I couldn't even remember our conversation before the kiss. Pero kalaunan ay naalala kong tungkol iyon sa ayaw niyang may ibang lalaki kaming pinag-uusapan. Particularly his cousin.
Nangungunot pa rin ang noo ko nang mag Lunes sa pag-iisip ng kanyang ibig sabihin. I have only one reason in mind. But I don't want to assume. Isang dahilan lang ang naiisip ko at iyon ay nagseselos siya. What could be the reason aside from that?
Pumasok ako sa klase at unang nakita ng mga mata ko si Lorenzo na kausap ang babae naming classmate. Naupo ako sa aking upuan, sa tabi niya, at hindi sinasadyang napakinggan ang pinag-uusapan nila.
"Talaga?" Untag ni Lorenzo, ang tono niya ay nasa gitna ng pagkagulat at pagkamangha. Hindi ko masabi kung alin ba talaga.
"Yes. So, anong tingin mo?" Tanong ni Edna, ang kausap niya.
Inabala ko ang sarili ko sa paglabas ng homework namin sa unang klase. Ipapasa kasi agad ito sa guro bago magsimula ang discussion. Ni-review ko ang mga sagot doon pero hindi ako maka-concentrate sa mga naririnig na ingay at sa dalawang nag-uusap dito sa tabi ko.
"Pwede bang sabihin ko sa kanya na type mo siya? She really likes you kasi, Lorenzo. Naaawa naman akong magbalita ng negative." Ani Edna.
Nangunot ang aking noo. Are they talking about a girl who likes Lorenzo?
"Bahala ka, Edna. She's pretty but..." Huminto siya siguro dahil narinig ang mahinang tikhim ko.
Napatingin ako, hindi sinasadya ang ingay na nagawa. Bumaling din siya sa akin at napansin ko ang pagkabigla sa kanyang mukha. Ngumiti ako at binalik ko ang tingin sa aking binabasa. Sa aking kanan ay naramdaman ko na ang presensya ni Vans. Agad na namuhay ang pagkabalisa ko.
"But what, Lorenzo?" Narinig kong tanong ulit nung Edna.
"Ayoko pa muna kasing mag girlfriend ngayon." Sagot ni Lorenzo. Ang sumunod ay ang mahinang ungol ng panghihinayang ni Edna.
Lumunok ako dahil sa aking nararamdaman. Tahimik pa si Vans pero tensyon na agad ang nakapalibot sa aking paligid. Nag-playback sa aking utak ang kanyang labi na nasa aking pisngi. How could a simple and quick kiss bother me this way? Well, wala naman akong pagbabasehan. It was my first kiss from a guy.
Si Vans ang unang pumansin. Tumikhim muna siya at ilang segundo muna ang hinintay ko bago siya binalingan. Nakangiti siya sa akin.
"Sabay tayong mag-recess mamaya." Bulong niyang hindi maririnig ng iba.
Ngumiwi ako sa sarili kong pisngi na namumula na yata sa init nito. Tumango ako.
Natapos ang tatlong subject at kabado ako para sa recess na sinasabi ni Vans. It was something I haven't done before. Palagi, ang kasabay kong mag-recess ay si Roan o si Marian. Noon naman ay si Conrad minsan o kaya ay si Elaine. Wala pang ibang lalaking nagyaya sa aking mag-recess, siguro hindi naman counted yung kay Lorenzo dahil kakain naman na talaga kami noon at nagkasabay lang.
Nagpaalam na ang aming unang guro at nang umalis ito ay dalawang boses ang narinig kong tumawag sa akin.
Nilingon ko muna si Vans bago si Lorenzo. Lorenzo is smiling, his usual smile. Si Vans naman ay naghihintay lamang ang hitsura ng mukha.
BINABASA MO ANG
Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)
Teen FictionCeline Marie Ricaverte doesn't have to choose. Sa una pa lang naman kasi ay kilala na niya kung sino ang kanyang pipiliin pagdating sa dalawang lalaking hinangaan niya. It was just a simple crush. Pinagkukumpara niya ang dalawa minsan pero kahit na...