Chapter 29

1.3K 30 3
                                    




CHAPTER 29 — I Still Don't Have


Hindi namin ginamit ang sasakyan ni Vans pabalik ng bahay. We walked and Vans left his car outside the subdivision's basketball court.

"Uhm..." Utas kong ilang beses ko nang sinabi ngunit hindi naman masundan. Kanina pa ako nag-iisip ng masasabi. Kanina pa mula nang matapos ang yakap niya sa akin at iharap niya ako sa kanya. Ni hindi ko siya matingnan sa mukha kanina.

Umalis kami ng court nang wala nang ibang sinabi sa isa't isa. Basta alam na namin na maglalakad na lang kami pauwi sa aking bahay habang ang sasakyan naman niya ay iiwan niya.

Nasa kalahati na kami ng street kung nasaan ang bahay namin. Wala pa ring nakakapagsalita nang maayos sa aming dalawa.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Vans. Hudyat na tatapusin na niya ang katahimikan. "This is awkward. Now I know how it feels after a love confession." Natatawang sabi niya at suminghap ako sa pagkabigla.

He didn't tell me he love me. Pero iyon ang ipinapangalan niya sa pag-amin niya. Lalo akong walang nasambit na mga salita.

Mabagal ang lakad namin. O hindi ko na lang talaga maramdaman ang sarili kong gumagalaw. Namanhid ako at naubos ang lakas ko matapos niya akong bitiwan kanina. It scares me to think that maybe I am just receiving strength from him whenever he's touching me. That whenever he lets go, I am nothing but weak.

"Please say something, Celine. I look stupid here." Aniya. Lumikot ang mga mata ko pero gumaan ang loob ng kahit katiting lang. Siya pa rin ang Vans na nakilala ko. Hindi naman siya nagbago matapos ng pag-amin niya. He's not sweet with his words now. Siguro ay kanina lang pala iyon. Ngayon ay normal na ulit ang pakikipag-usap niya sa akin.

Ilang beses kong binasa at kinagat ang labi ko hanggang sa makaisip ako ng isasagot ko. Hindi ko rin naman ito agad nasabi sa pagdadalawang isip na baka masamain niya at isipin niyang ayaw ko sa kanya.

"Ang bata pa natin, Vans." Nagdesisyon din akong tama marinig niya ito. "At ang bilis... para masabi mong gusto mo ako..." This is ironic. Pinagsasabihan ko siya pero hindi ko mapagsabihan ang sarili ko gayung mabilis din naman ang mga pangyayari para sa akin.

Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Humarap siya sa akin. Ang dalawang kamay ay nasa bulsa at mataman akong tinititigan ng kanyang mga mata.

"Paano kung sabihin kong gusto na kita noon pa? I mean, I think a year ago? Mabilis pa rin ba 'yon para sa'yo?"

Nanlaki ang mga mata ko. Tiningnan kong maigi ang mukha niya para makita ang pagsisinungaling o panloloko niya. Pero wala. Totoo ang mga lumalabas sa bibig niya. "A year ago?" Tanong ko.

"I can't even remember the exact moment, Celine." Ngiti niya sa akin.

He is not Vans. The guy in front of me is not him!

Umiling ako at hindi naniwala.

"I don't expect you to believe me. Sinasabi ko lang sa'yo at nagtatanong ako. Mabilis pa ba 'yon kahit isang taon na ang nakalipas? And you? You know you also had feelings for me too. Gaano na ba katagal 'yan?" Tinuro niya ang dibdib ko na parang makikita doon ang lahat ng damdamin ko para sa kanya.

And he's pointing it right where it really is. Dahil sa loob nitong dibdib ko ay iba't ibang klaseng damdamin na para lang kay Vans. But I don't think now is the right time to let go of these feelings for him to... see.

Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon