Chapter 4

2.2K 56 2
                                    

CHAPTER 4 — Hindi Na Ngayon

Sampal sa pisngi ang narinig ko kanina kay Lorenzo. Hindi naman sa ayaw kong maging kaibigan siya pero bakit naman kasi niya ako sinabihan ng maganda? Ayan tuloy medyo umasa ako. Ilang taon ko na bang crush si Lorenzo? Halos kasabayan lang siya ni Vans. It’s been five years! At bakit hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako sa kanya ay hindi ko alam. Pero 'yong nangyari kanina, iyon ata ang unang beses na nalungkot ako dahil sa crush ko.

“Celine, tabi ka sa amin mamaya.” Ani Roan, ang isa kong classmate.

Ngumiti ako at tumango. “Oo naman.” Sagot ko. Kasabay ko sila mag-lunch. Excuse kami mamaya sa mga klase namin after lunch dahil sa grade 12 orientation.

“Tingin mo by height ang pila? Kapag kasi by height hindi kita makakatabi.” Ngumuso si Roan.

Nagkatinginan sila ng isa pa naming kasama na si Marian. “Hindi naman siguro. Grade 12 na tayo. Ang korni kapag ganun pa rin.” Ngiwi ni Marian.

Hindi ako naniwala sa sinabi niya. Naalala ko ang mga nakikita kong grade 12 noong nasa lower level pa lang ako. Madalas ay find your height kapag pumipila.

“Sa tingin ko by height 'yan.” Ngumiti ako sa kanila. “Okay lang 'yan. Maglipatan na lang tayo ng pwesto.” Magandang ideya ko.

Nag-apir si Roan at Marian. “Tama!” Sabay nilang sabi at tumawa.

Maliit lang si Roan at Marian kumpara sa akin. Kung susundin ang by height sa pila ay siguradong nasa bandang likod ako dahil may katangkaran akong babae. Noon pa ay madalas na ako sa likod pumipila at ako lang ata ang tahimik doon dahil ang mga nasa likod ay 'yong madadaldal na babaeng kasing tangkad ko. Sinamahan pa ng mga pilosopong lalaki.

Alam ko na kung saan ang pwesto ko kung sakaling pumila kami ng ayon sa tangkad mamaya. Nasa gitna ako ng magkaibigan na sina Caitlyn at Margaret. Isa sila sa mga babaeng sinasabi kong madaldal at close sa mga lalaki.

Natapos ang lunch at nagpunta muna kami sa classroom dahil doon kami susunduin ng aming adviser. Nang lahat ay nasa loob na ay nagsimula na ang matinding ingay. Lahat ay nagsasalita at nagtatawanan sa likod. Kitang kita ko si Lorenzo na nakaupo sa table at nakapatong ang dalawang paa sa upuan. Nakikipag-apiran siya sa tatlong lalaking kaklase namin.

Nilingon ko si Vans na kapapasok lang ng pintuan.

Umupo na siya at agad na binaling ang mga mata sa akin. “Ang ingay.” Aniya nang nakasimangot. Suplado! Pogi at suplado!

“Bakit hindi ka makisali sa mga barkada mo.” Tanong ko habang tinuturo ang pinsan niya at ang mga kasama nitong kaibigan din niya.

“Ba’t ako sasama sa kanila? Then what? Makikingay din?” Tanong niya.

“Para naman may kausap ka.” Sagot ko.

Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon