CHAPTER 3 — Pag-asa
“Ano?!” Gulat ang reaksyon ni Elaine sa mga binalita ko sa kanya.
“Oo, Elaine. Gosh! Anong gagawin ko? Alam na niya na crush ko siya!” Utas ko habang kabadong kabado.
Kakauwi ko lang ng bahay at tinawagan ko kaagad si Elaine para ibalita sa kanya ang mga nangyayari sa akin nitong dalawang linggo lalo na 'yong kanina. Ngayon ko lang ulit siya nakausap matapos ng bakasyon dahil kakauwi lamang niya mula sa states. Kahit naman hindi ako sigurado kung mako-contact ko ba siya ay tinawagan ko pa rin. Wala na akong mapagsabihan ng mga hinaing ko at ayoko naman sa kambal ko. Pagtatawan lang ako ni Conrad. At ang swerte ko dahil sa wakas ay nakausap ko na ulit ang best friend ko.
“Alam? Bakit may sinabi ba siya?” Tanong niya.
“Wala naman. Pero nakita niya, e! Anong iispin niya doon? Na sinulat ko ang pangalan niya for no reason?”
“Eh bakit naman kasi pakalat kalat 'yang notebook mo na may pangalan niya? Baliw ka talaga!” Aniya at alam kong natatawa na siya sa mga katangahan ko.
Mariin kong pinikit ang mga mata ko dahil naalala ko kung anong itsura ni Vans nang makita niya ang notebook. Nakaawang ang bibig habang titig sa kanyang pangalan na paulit ulit na nakasulat. At kung paano ko unang beses na nakita ang malawak na ngiti niyang hindi ko alam kung para saan.
“Excuse me! Hindi 'yon pakalat kalat. Nalaglag lang at aksidenteng nakita niya.” Nanlumo ang boses ko. “Paano na?”
“Act normal.” Simpleng sagot niya sa tanong ko. Akala ko 'yon na ang advice niya pero may sinunod pa siya. “Hayaan mo siyang mag-conclude ng mag-isa. 'Wag kang aamin o magpapahalata. Ano naman kung nakasulat ang pangalan niya sa notebook mo. There are a lot of explanations for that, Celine. At 'wag mo siyang bibigyan ng isa kahit na kasinungalingan ang rason.” Aniya. Seryoso ang kanyang tinig kaya naniwala ako sa payo niya.
“Paano kapag nagtanong siya?” Kahit na naintindihan ko na ang gustong mangyari ni Elaine ay hindi ko pa rin mapigilan mag-isip ng mga posibilidad.
“Then don’t answer. Just shrug or don’t give him a chance to ask you.”
Ngumiwi ako dahil hindi ito malinaw. Siguradong magtatanong si Vans kahit na anong gawin kong iwas. Bukas ay magkikita ulit kami at takot na takot na ako. Ninenerbyos ako kada maiisip na maaaring kung ano ano nang pumasok sa isip niya nang makita ang pangalan niya sa notebook ko.
Mabuti na lang! Mabuti na lang talaga ay hindi niya binuksan ang susunod na pahina pagkatapos ng nakita niya. Dahil ang pangalan naman ni Lorenzo ang naroon. Patay ako oras na malaman niyang crush ko silang magpinsan. At mabuti na lang din at hindi naman niya ako kinausap matapos ng aksidenteng iyon!
Kaya naman nang sumunod na araw ay tinatamad akong pumasok. Ilang beses akong sinubukang gisingin ni manang hanggang sa ang kapatid ko na ang pumasok ng kwarto ko.
BINABASA MO ANG
Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)
Fiksi RemajaCeline Marie Ricaverte doesn't have to choose. Sa una pa lang naman kasi ay kilala na niya kung sino ang kanyang pipiliin pagdating sa dalawang lalaking hinangaan niya. It was just a simple crush. Pinagkukumpara niya ang dalawa minsan pero kahit na...