CHAPTER 9 — Gitna
Hindi ako bumaba mula sa kwarto hangga’t hindi naman ako tinatawag. Mananatili na lang ako rito kaysa ang kausapin ang baliw kong kambal at ang suplado at masamang ugaling si Vans. Nakatitig ako sa aking laptop para hintayin kung magbubukas ba ng Skype si Elaine ngunit hanggang ngayon ay offline pa rin siya. Siguro ay busy pa iyon. Mamaya pa siya siguro mag-o-online.
Ngumuso ako at hinanap ng aking mga mata kung saan ko napatong ang bag ko. Nang maalalang nasa living room iyon sa baba ay marahas kong kinamot ang aking ulo. Nakakainis! Kung bakit ba kasi nandito si Vans at niyaya pa talaga siya ni Lola na kumain dito ng hapunan.
Inosente ako rito. Wala akong alam na magkakilala pala ang lola ko at si Vans. Hindi ko alam na pumupunta na pala si Vans dito noon. I don’t know these things at nahuhulaan ko nang may kinalaman na naman ang aking kakambal dito. Naiisip ko tuloy kung pati kaya si Lorenzo ay madalas din dito.
“Hay, Celine.” Buntong hinga ko.
Vans cleared everything to me. He doesn’t like me. Iyon ang naiparating ng mga sinabi niya sa akin kanina. Well, if that’s the case, I’d stop myself from liking him either. Hindi naman kawalan si Vans. Ano ba siya? Crush ko lang naman siya ng ilang taon at ang tigilan iyon ay madali lang sa akin.
Shit! I’m just 18 and look at my problems! Parang tanga lang na pinoproblema ko ang mga bagay na ito. Imbes na ang pag-aaral ko ang inaatupag ko ay itong mga kagagahan ko pa kay Vans ang laging laman ng isip ko.
Kung kailan naman naisipan kong gawin ang mga homework ko at mag-aral ay saka ko pa naiwan ang aking bag sa lugar kung nasaan si Vans. Ayan tuloy at wala na akong nagawa kundi alalahanin siya.
Kanina, pinigilan ko talagang maiyak sa kahihiyan. Mas nangibabaw na rin kasi ang inis ko sa mga binitiwan niyang salita at sa sarili ko.
Binagsak ko ang aking katawan sa kama dahil sa inis. From now on, hindi ko na crush si Vans! He’ll just be my classmate, seatmate, and co-officer kagaya ng mga binanggit niya. Ayokong maapektuhan ang mga ito nang dahil lang sa crush ko siya. Maraming nagiging sanga ang pagkakaroon mo ng gusto ng isang tao. Naiilang, kinakabahan, nahihiya, natatakot, kinikilig, natutuwa, sumasaya at lumulungkot. At ang maramdaman ang lahat ng iyan ay makakasama sa simpleng relasyon namin ni Vans. Tama siya, it will only affect the both of us. Wala akong magagawang matino sa harap niya kapag nararanasan ko ang mga bagay na iyan. So I just have to end my craziness over him and get into the real life. Real life is, Vans and I are just pure classmates andofficers of an organization. Nothing more than that.
Nagdesisyon akong tumayo ng kama at patungo na sa pinto nang marinig ko ang katok mula sa labas. Binuksan ko ang aking pinto at nakita ang aming katulong.
“Celine, tawag ka na sa baba,” aniya.
Ngumiti ako at tumango. “Pababa na nga rin po ako, manang,” sagot ko.
Pinauna niya ako sa pagbaba at dito pa lang ay naririnig ko na ang tawa ni Conrad.
BINABASA MO ANG
Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)
Teen FictionCeline Marie Ricaverte doesn't have to choose. Sa una pa lang naman kasi ay kilala na niya kung sino ang kanyang pipiliin pagdating sa dalawang lalaking hinangaan niya. It was just a simple crush. Pinagkukumpara niya ang dalawa minsan pero kahit na...