CHAPTER 42 — Weird
Sa gabing iyon ay hinatid ako ni Vans sa bahay nang sakto pa rin sa aking curfew. Hindi ko malaman kung natuwa ba si Papa sa kanyang ginawa dahil hindi ako ginabi sa pag-uwi o nagalit dahil hindi nagpaalam si Vans. He didn't ask for permission when he brought me to his house. Kaya naman hindi ko mabasa ang ekspresyon ni papa nang magpakita si Vans sa kanya.
"Anong ginawa ninyo sa bahay ni Vans?" Pangatlong beses na itong tinanong ni Papa sa akin. Una ay kanina nang narito pa si Vans. Ang sumunod ay noong umalis na ito at pangatlo na ito nang magsama sama kami sa living room.
"Celebration lang po kasi champion sila sa basketball." Pangatlong beses na rin na ito ang sagot ko.
Tumango lamang si Papa. I think he's checking if my answers are consistent. Tatay ko siya. He's just worried and protective.
Mabilis na dumaan ang weekends. Puro texts at tawag lang kami ni Vans. Tinigil na muna ang tutoring program ng Math Circle upang makapagpahinga kami mula sa pagod sa intramurals. Next week ay itutuloy din naman dahil malapit na ulit ang quarterly exams.
"Your birthday is coming, apo!" Utas ni Lola nang nasa kusina kaming dalawa. Humalik ako sa kanyang pisngi. Kakauwi ko lang galing school at kakaalis lang din ni Vans.
"Opo nga, 'la!" Ngiti ko at hindi na napigilang isipin ang nalalapit kong kaarawan.
It will be two weeks from now. Mangyayari ito pagkatapos ng aming examination kaya naman mas masaya dahil tapos na ang paghihirap bago kami magsaya.
"Kung matutuloy ang sinabi ng iyong Tita Enrica, uuwi sila next week. With your cousins and hopefully kasama si Felipe." Mas lalo akong na-excite sa sinabi ni lola.
Masaya ang mga tambol sa aking dibdib habang pinag-iisip niya ako ng nais kong mangyari sa nalalapit na kaarawan namin ni Conrad.
"You are turning nineteen." Ani Papa nang ipagpatuloy ang pag-uusap ng aming kaarawan ni Conrad. "Unti unti nang umuunlad ang business na tinayo ko. I think we should held a big party for you. Nang may mapuntahan naman ang perang pinaghihirapan ko." Sabi niya sa amin ni Conrad ng natatawa pa.
Conrad smirked but I didn't see the excitement in his expression. Siniko ko siya dahil baka makita ni Papa iyon at magtampo dahil hindi niya nagugustuhan ang magandang suhestiyon nito.
Pumantay ang labi niya at umayos siya sa aking tabi. Ngumiti rin siya nang mapansing nakatitig sa amin si Papa.
"Ako nang bahala sa pagpaplano. Sa tingin ko ay matutulungan naman ako ng assistant na nakuha ko." Sabi niya. "Just tell me you likes and then my assistant will deal with it."
Doon natapos ang usapan. We'll have a grand birthday party two weeks from now. Sinabi na ni Papa na simulan na ang pag-iimbita sa malalapit naming kaibigan. Mag-iimbita rin daw siya ng kanyang mga naging kaibigan sa negosyo para naman makilala kami ng mga ito.
Tama nga ang sinabi ni Papa na unti unting umuunlad ang kanyang negosyo. I can feel it as days past. Minsan ay ginagabi nang uwi si Papa dahil ginugugol ang oras sa rami ng trabaho. Siya lang naman kasi ang namamahala roon. Hindi niya maaaring ilaglag ang mga nagtiwalang investors sa kanya.
Nang sumunod na Sabado ay balik na kami sa aming trabaho para sa tutorial program. Malapit na ang examination na gaganapin next week. Kaunti na lang ay birthday na namin ng aking kakambal. I am so happy because it's not just our birthday. It will be a celebration where my family will finally be complete and together. It's like a reunion. Sigurado na ang pag-uwi ng aking tatlong pinsan at ni Tita Enrica. Magsisimula na ring mamigay ng imbitasyon sa Lunes para sa aming mga kaibigan ni Conrad. But Vans still doesn't know about it yet. Hindi ko pa nasasabi sa kanya at hindi rin naman niya naitatanong ang tungkol doon.
BINABASA MO ANG
Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)
Teen FictionCeline Marie Ricaverte doesn't have to choose. Sa una pa lang naman kasi ay kilala na niya kung sino ang kanyang pipiliin pagdating sa dalawang lalaking hinangaan niya. It was just a simple crush. Pinagkukumpara niya ang dalawa minsan pero kahit na...