CHAPTER 22 — Twins
Iniwan ko si Conrad nang hapong iyon. Umuwi akong mag-isa at pagdating ng bahay ay nagkulong ako sa aking kwarto. Mabuti na lang at wala si Papa at gaya nga ng sabi niya, si lola ay kakampi naming magkapatid kaya hinayaan niya ako nang gabing iyon. Nagutom lang ako kaya bumaba ako saglit para kumain ng kaunti at saka natulog. Kinabukasan ay wala akong ganang pumasok.
“Hindi pwedeng hindi ka papasok. What wrong, Celine?” Tanong ni Papa nang madatnan akong nakahiga pa rin sa kama.
Umungol ako at nagkunyaring may sakit. Masama ang pakiramdam ko pero hindi ang katawan ko. If you know what I mean. “Ang sakit ng ulo ko, Pa…” Medyo pinapaos ko ang boses ko kahit na hindi naman talaga.
Bumuntong hininga si Papa. “Alright. Magpapaakyat ako kay manang ng gamot at inumin mo agad iyon. I’ll ask Conrad to come to your adviser to excuse you.” Aniya at hindi ko na siya sinilip mula sa pagkakatalukbong ko ng kumot. Narinig ko na lang na tumunog ang pinto hudyat na lumabas na siya. Saka ko tinanggal ang kumot sa buo kong katawan.
Huminga ako nang malalim at sinilip ang labas ng maliit kong bintana. Sumisikat pa lang ang araw at dapat ay nakabihis na ako para pumasok sa school. Pero wala talaga akong gana ngayong araw dahil hindi ako sigurado kung kaya ko bang harapin si Vans matapos ng pananampal ko sa kanya.
Hiyang hiya ako sa ginawa ko at naiirita ako sa sarili ko. Mabilis akong humantong sa mga konklusyong hindi naman ako sigurado. Yes, I know that my twin brother is nosy as hell pero napag-isip-isip kong hindi naman ako papahiyain ni Conrad. He cares for me. I’m his sister! At para na rin niya akong binenta kung uutusan niya si Vans na lapitan ako, maging mabait sa akin, at yayain ako sa panonood sa kanilang laro. He will not do that to me. Pero si Vans, siya ang hindi ko kilala. I don’t know the reason of his sudden change. One moment he’s a snob then all of a sudden he will smile at me like he’s used to it. Ang gulo niya at hindi ko malaman kung ano ang trip niya.
Maybe this is because he knows I still have feelings for him. Akala niya siguro ay crush ko pa rin siya gaya ng hinala niya noon na totoo naman. He kept on telling me that I should stop and I did. Ang hindi ko alam ay habang pinapatay ko ang mga namulaklak kong paghanga sa kanya, may umuusbong na panibago. May tumubong mga damdamin na nangyari noong nagkalapit kaming dalawa. I cannot fall for him. It’s too fast! Pero iyon lang ang tanging kahulugan na mabibigay ko sa nararamdaman ko ngayon. I am hurt because of my suspicions and because I am scared that those are true. Paano kung naaawa lang si Vans sa akin? Paano kung alam na niyang mahal ko na siya at nilalapitan niya ako dahil guilty lang talaga siyang hindi niya iyon kayang suklian? Instead, he’ll just offer me his friendship. Iyon na ata ang pinakamasakit.
Ininom ko ang gamot na binigay ni manang dahil sumakit na ng tuluyan ang ulo ko sa mga pinag-iiisip ko. Umakyat si Lola para kumustahin ako at hindi na siya nagtanong ng tunay na pakiramdam ko. Basta’t hinayaan niya ako sa aking kwarto. I don’t know how’s my brother. Hindi ko siya nakita dahil hindi ako bumaba kaninang umaga. Bahala na siya kung anong kinalaman niya rito pero ayoko naman siyang komprontahin doon. Baka kasi nagkakamali lang ako.
“You should take a rest and be back in school tomorrow.” Sabi ni Papa nang naghahapunan kami. Kasama namin sa hapag sina lola at Conrad.
BINABASA MO ANG
Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)
Teen FictionCeline Marie Ricaverte doesn't have to choose. Sa una pa lang naman kasi ay kilala na niya kung sino ang kanyang pipiliin pagdating sa dalawang lalaking hinangaan niya. It was just a simple crush. Pinagkukumpara niya ang dalawa minsan pero kahit na...