CHAPTER 13 — Trespasser
Isa isang nagsilabasan ang mga members ng Math Circle hanggang sa maubos sila. Huli kami ni Vans na lumabas.
“Ila-lock ko lang ito.” Ani ko ngunit paglingon ko ay nauna nang maglakad si Vans paalis.
Sinundan ko siya habang sinisilid sa aking bag ang susi na pinagkatiwala sa amin ni Ms. Esperanza. Naaninag ko sila Harlene na nagtatawanan at nauuna kay Vans.
“Vans, wait up!” Sigaw ko sa kanya dahil sobrang bilis ng lakad niya kahit normal lang iyon. Masyadong mahahaba ang biyas ng lalaking ito at mahirap siyang habulin.
Tinakbo ko ang aming distansya. Napahawak pa ako sa balikat niya at huminto ako nang tumigil siya.
“What?” tanong niya sa aking may kunot sa noo.
Isang malalim na paghinga ang aking ginawa bago ako nagsalita. “Bakit ka nang-iiwan? Sinabi nang ila-lock ko lang 'yong pinto e.” Sambit ko. Nakabawi ako at doon ako tumayo ng diretso.
Pumantay ang gusot sa gitna ng dalawang kilay niya at inalis ang tingin sa akin. “I’m in a hurry, Celine. Hahabol ako sa practice ng varsity. It’s been a while.” Aniya at naglakad kaming muli.
Tumango ako. “So hindi ka agad uuwi?” Tanong ko. Nang pababa kami ng hagdanan ay inalis ko na muna ang tingin sa kanya.
“Yup.” Tipid niyang sagot. Tinagilid ko sa kanya ang aking ulo bilang tango ko.
Kaya mag-isa akong nagtungo sa direksyon ng parking kung nasaan ang driver namin. Naghiwalay kami ni Vans sa gitna ng quadrangle. Nasa magkabilang gawi kasi ang gym at gate.
Player si Vans ng basketball varsity team ng aming school at kasama niya roon si Lorenzo at ang kambal kong si Conrad. Marahil nawawalan na ng oras si Vans sa mga practice nila dahil sa abala siya rito sa biglaang pagiging officer namin ng Math Circle. Kaya naman nang magsabi siyang mauuna na ay hinayaan ko na siya. Hindi naman kailangang sabay kaming makarating ng parking. Hindi naman niya ako kailangang ihatid doon.
Pag-uwi ko ng bahay ay nakita ko si Lola na may kausap sa telepono sa aming living room.
“Celine, nariyan ka na pala!” Medyo malakas niyang sigaw. Nakita niya kasi akong padiretso ng kusina. Kaya imbes na roon magtungo ay lumapit na lang ako sa kanya.
“Enrico, your daughter is here.” Ani Lola at nang marinig ko ang pangalan ni Papa ay nabuhay ang excitement sa katawan ko.
Tumakbo ako na malawak ang ngisi at inagaw kay Lola ang telepono kahit na iaabot pa lang niya iyon. Tumawa ako sa gulat ni Lola sa akin na napailing na lang.
“Papa! I miss you!” Utas ko sa aking tatay na nasa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)
Novela JuvenilCeline Marie Ricaverte doesn't have to choose. Sa una pa lang naman kasi ay kilala na niya kung sino ang kanyang pipiliin pagdating sa dalawang lalaking hinangaan niya. It was just a simple crush. Pinagkukumpara niya ang dalawa minsan pero kahit na...