CHAPTER 41 — Permanent
I didn't see Conrad that night. Nagpaalam at umalis si Vans matapos ng dinner at hanggang sa umakyat ako sa kwarto ay hindi pa rin dumarating ang kapatid ko. I saw him with Shayne. Maybe he's with her? Hindi ko alam. Hindi na rin ako nag-abala pang magtanong. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. If I should get mad or what. Kung seryoso ang kapatid ko sa babaeng iyon, then good. Pero hindi ko pa rin mapigilan ang magalit dahil agad siyang nakahanap ng ipapalit kay Elaine.
I tried again for the nth ttime. Sinubukan kong hanapin si Elaine sa mga posibleng website na maaari ko siyang makita. I asked some of our friends. I even tried to call their former house but all I got was a busy tone. Gusto kong maisalba ang nanlalabong pagkakaibigan namin ni Elaine. Umalis siya ng walang paalam. Hindi niya man lang ako sinabihan. Hindi ko alam kung sinasadya ba niya iyon at tuluyan nang pinutol ang pagkakaibigan namin o may dahilan siya sa kabila ng lahat. Anong nagawa kong mali para gawin niya iyon sa akin?
Days passed. Hanggang sa nahahalata na sina Conrad at Shayne sa school. I guess he stopped hiding it from me. Dahil kung ilalantad na nila sa school ang kung ano mang namamagitan sa kanila ay malalaman ko kaagad iyon.
Kasabay ko si Conrad sa kotse at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya kinakausap tungkol sa mga bali-balita. But I guess this is the right time to talk about it.
Huminga ako ng malalim matapos kong maisip ang unang itatanong. "Kayo na ni Shayne?" I can't help but be straightforward. Masyado nang matagal ang hinintay ko.
Nakatingin si Conrad sa labas ng bintana ngunit nang marinig ako ay lumingon siya sa akin. I was expecting a smiling face, a proud face. Pero imbes na iyon ang aking makita ay mapupungay na mga mata ang nakita ko mula sa kanya.
"Papunta na roon." Sagot niya at bumaling na ulit sa labas ng bintana.
I nodded. Isn't he happy? What's with the sad face? May problema ba sila?
"You know, I am happy for you." Ngiti ko. Totoo ang sinasabi ko. If he has moved on, then I'm proud and happy for him.
Narinig ko ang mahina niyang ngisi. "Yeah. Sa wakas ay nakita ko na ang babaeng mamahalin ako."
I was surprised by his words. Mamahalin? They love each other? Hindi ko na napigilan ang mas lalo ko pang pagngiti. Hindi lang pala ako ang mabilis dito. Even Conrad fell inlove even if it's still too early for us to feel that. Ganoon siguro talaga ang pag-ibig na walang pinipiling oras.
Second quarter will be over in just a few weeks. Pagkatapos niyon ay dalawang quarter na lang ay aalis na ako ng high school. Pakiramdam ko ang grade na ito na ang pinakamasaya sa lahat.
"Bukas na ang intramurals. Baka sobrang maging busy ako sa practice and games." Ani Vans sa akin. Kumakain kami ngayon sa loob ng canteen. Kasama namin ang kanyang mga ka-teammate. Si Conrad ay nasa dulo ng mesa kasama si Shayne.
Inalis ko ang tingin sa kanila at nilingon si Vans. "Okay lang. Kasama ko naman sina Roan at Marian." Sabi ko sa kanya.
Tumango siya. Sumubo ako ng pagkaing siya mismo ang namili para sa akin at saka pinanood muli si Conrad.
"You are really worried about him." Bulong ni Vans sa aking gilid. Napaiwas tuloy ako ng tingin kayla Conrad. "Why?"
Nagkibit ako ng balikat. "Kilala mo naman kasi si Conrad. Minsan maloko 'yan. Nag-aalala lang ako na baka hindi naman siya seryoso."
BINABASA MO ANG
Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)
Teen FictionCeline Marie Ricaverte doesn't have to choose. Sa una pa lang naman kasi ay kilala na niya kung sino ang kanyang pipiliin pagdating sa dalawang lalaking hinangaan niya. It was just a simple crush. Pinagkukumpara niya ang dalawa minsan pero kahit na...