CHAPTER 38 — Minadali
Palapit nang palapit ang araw ng quarterly examination. Hindi na rin kami magkandaugaga sa Math Circle upang makakalap ng pondo para sa darating na program namin sa September. Maraming events na mangyayari pagkatapos ng exam at ito ay ang Intramurals Day at susunod naman dito ay ang Foundation Day ng school.
Naging abala ang mga miyembro sa aming org para sa aming tutoring program na ginaya na rin ng iba pang academic-oriented organizations ng aming school. Natuwa kami dahil naging modelo ang Math Circle upang simulan din nila ang tutoring. Marami nang matutulungan ang mga matatalinong nakakaangat sa mga mahihirap na subjects lalo na sa Science.
"Ayusin na siguro natin 'yong pointers to review ng mga estudyante sa bawat grade. Para next Saturday ay maturuan na natin sila sa mga parteng hirap sila." Tama ang suhestiyon ni Bryan nang mag-meeting kami.
Kaming dalawa lang ang magkausap ngayon dahil kasalukuyang wala si Vans. He's in the basketball club right now. Malapit na kasi ang kanilang mga games kaya hiniram na muna siya ni Coach Ry para kahit kaunti ay may ma-contribute siya para sa team. He's one of the best players. Sayang kung hindi siya makakapag-training ng maayos.
"Okay. Tanungin natin sila bukas. Two weeks from now ay exam na. Tama 'yang naisip mo." Sagot ko habang nililista sa maliit na notebook ang magiging agenda namin bukas.
Ngumiti sa akin si Bryan nang sang-ayunan ko siya.
Napagtanto ko na siguro kung wala kami ni Vans dito sa school, o kung hindi kami magaling sa Math kung saan ito ang dahilan kung bakit kami narito, ay si Bryan ang magiging leader ng Math Circle. He's too good to just be the vice-president of our org. Marami siyang nako-contribute na minsan ay nakakaligtaan namin ni Vans. He's also good in becoming a leader. At higit sa lahat ay matalino siya sa subject na ito.
"I was planning on looking for a speaker para sa program. Let's held a seminar." Umangat ang mukha niya. Pareho kaming nasa harap ng mga miyembro namin na abala sa pag-uusap tungkol sa kanilang mga gagawin bukas ng umaga.
"Uy! Maganda 'yan." Utas ko sa kanya. "Tungkol naman saan ang pag-uusapan?" Tanong ko.
Ang alam ko kapag mga ganitong seminars ay may mga main topics na pinag-uusapan. Kunyari ay kung paano ang tamang pagturo sa Math o kung paano ang tamang pag-aaral kapag ito na ang subject. Pero mukhang boring 'yon at baka walang pumunta.
"Hm, I still haven't thought of that yet. Pero sasabihin kita kung may maisip na ako." Aniya sa akin.
Natapos ang club meeting na productive kaming lahat. Pagkagaling sa Math Laboratory ay dumiretso na agad ako sa gym kung nasaan ang basketball team. Nakasabay ko pa si Shayne na aking kaklase.
Nagkatinginan kaming dalawa at hindi nakalagpas sa akin ang pamumula ng kanyang mukha. Ngumuso ako roon ngunit sinigurado ko munang nakaiwas na siya ng tingin. Hindi ko mapigilang mailang sa kanya dahil kaming dalawa lang ang natatanging babae na patungo sa gym. Minsan ko na siyang pinagselosan. At inis na inis ako nang mga araw na iyon. I don't know if it's because of her or Vans. Basta ang alam ko ay kasali siya sa dahilan ng pagseselos ko.
Pagkapasok ng gym ay nangilo agad ako sa kiskisan ng mga sapatos at sahig. Dumiretso ako sa parati kong pwesto sa tuwing nagpa-practice si Vans. Mayroon pa ring curfew ang school para sa mga estudyanteng wala nang gagawin pagkatapos ng mga klase. Pero dahil sagot ako ni Vans ay nakakalusot ako roon.
Nakita ko kaagad siyang suot ang kanyang jersey uniform. Malaking numerong 22 ang nakasulat sa likod at harap ng kanyang uniporme. It is his birthday. Nalaman ko nang minsan kong itanong sa kanya ang kwento sa likod ng napili niyang numero. Maging si Lorenzo na 21 ang numero ay nakuha rin sa birthday niya.
BINABASA MO ANG
Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)
Teen FictionCeline Marie Ricaverte doesn't have to choose. Sa una pa lang naman kasi ay kilala na niya kung sino ang kanyang pipiliin pagdating sa dalawang lalaking hinangaan niya. It was just a simple crush. Pinagkukumpara niya ang dalawa minsan pero kahit na...