Chapter 28

1K 32 5
                                    

CHAPTER 28 — Compare It

Nakatingala ako sa kalangitan at pinagsabihan ang sarili na hindi titingin kay Vans hanggat hindi naman kailangan. Nasa ibabaw ng tiyan ko ang dalawang braso ko at niyayakap ang sarili ko. Kahit na kalulubog lang ng araw ay nararamdaman ko na ang malamig na simoy ng hangin. Pumikit ako at huminga ng malalim.

“Okay lang bang umalis tayo rito?” Napadilat ako sa pagbasag niya sa maikling katahimikang bumalot sa amin.

Bumagsak ang tingin ko sa bahay sa tapat namin at saka tumango. “Nagpaalam naman ako.” Mahinang sabi ko.

Tumikhim siya at lumakad papuntang kotse. Binuksan niya ang front seat kung saan ako sasakay. Lumapit ako roon at sa unang pagkakataon, napagtanto kong makakasakay ako ng kotse ni Vans nang siya lang ang aking kasama. Noon kasi ay kasama namin si Lorenzo. Ngayon ay kaming dalawa na lang.

Sumunod siya sa akin matapos kong sumakay. Ilang saglit lang ay nilalakbay na namin ang subdivision at ang akala kong paglabas namin dito ay hindi nangyari. Inikot lang niya ang kotse sa buong street namin hanggang sa tumigil siya sa basketball court kung saan sila nagpa-practice kanina. May ilaw ang court ngunit wala akong napansing naglalaro sa loob. Huminto ang sasakyan sa tapat ng entrance nito at doon ay lumabas si Vans at pinagbuksan ulit ako ng pinto. I didn’t know this side of him. Siya pala 'yong tipo ng lalaki na pagbubuksan ng pinto ang mga babae.

Hilaw ang aking ngiti hindi dahil napipilitan ako sa pagsama sa kanya kundi dahil nahihiya ako sa mga bagong kilos niya.

Pumasok kaming dalawa ng court at dumiretso siya sa gitna kung nasaan ang isang bola habang ako ay huminto sa lugar kung saan ako pumwesto kanina nang ipatawag sila ni lola.

Hindi na siya naka jersey uniform at simpleng t-shirt at maong shorts na lang ang suot niya pero sa pagyuko niya at pagkuha ng bola ay mahahalata na agad na isang basketball player siya. Hindi na kailangan ng uniform. Sa paghawak pa lang, pag-ikot ng bola sa kamay at tindig niya sa gitna ng court ay makikita nang isa ito sa mga larangang pinakamagaling siya.

“I want to ask you something…” Aniyang bahagya ko lang narinig dahil nag-e-echo sa court ang tunog ng bolang dini-dribble niya. Lumingon siya at nakataas na naman ang gilid ng labi niya. “Actually I want you to do something.”

Tumango ako. “What is it?” Tanong ko.

“Whenever I got to shoot this ball in that ring,” tinuro niya ang ring na kalahating court ang layo sa kanya. “You will answer a question from me. One shoot, one question.” Aniya. Ngumisi siya na parang may iba pa siyang gustong sabihin bukod doon ngunit pinipigilan niya.

Binasa ko ang aking labi. “Hindi pwedeng hindi ako sumagot?” Tanong kong kalmado pa ang boses kahit na nagkakagulo na sa loob ng aking dibdib.

“Hm. Let’s put it this way. Ibibigay ko sa’yo 'tong bola at kailangan mong ma-shoot ito bago ka tumanggi na sagutin ako.”

Nagtaas ako ng isang kilay at ginaya niya ako. “Unfair. Hindi ako marunong.” Reklamo ko habang lumalapit sa kanya. “Hindi kaya nasa’yo ang lahat ng advantage dahil marunong ka at ako ay hindi.”

Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon