CHAPTER 20 — Come and Watch
Para akong ninakawan ng lakas pagkauwi nang mapagtanto kong nakaparada na kami sa loob ng aming gate. Natitigan ko ang labas at nakita na maliwanag na maliwanag ang loob ng aming bahay. Nanlulumo akong lumabas ng kotse at hindi na hinintay ang driver na pagbuksan ako. Humakbang ako sa isang baitang na hagdanan namin at lumapit sa pintuan.
Pagkabukas ay may sumabog na magagaspang at maliliit na papel sa mukha ko. Napapikit ako at napadilat lang sa gulat dahil sa malalakas na boses.
“SURPRISE!” Tili ng isang boses sa tabi ko at nanlaki ang mga mata ko sa nakikita.
Si lola, ang tita kong ngayon ko lang ulit nakita na halos hindi ko na makilala, at si Conrad na tulala lang sa tabi ni Papa ang nasalubong ng aking mga mata. Si Tita Enrica ang tumili at hanggang ngayon ay pamilyar pa rin sa akin ang matinis na boses niya.
“Pa!” Halos magtatalon ako nang lumapit sa akin si Papa at binuhat niya ako sa sobrang galak. Binaon ko ang ulo ko sa leeg niya at halos maiyak ako sa pangungulila. Lagpas isang buwan ko rin siyang hindi nakita at minsan lang kaming nagkausap sa loob ng mga panahong iyon.
“Celine, anak. Wow, ang laki mo na!” Aniya sa akin na nginiwian ko lang.
Binaba niya ako at ngumuso ako sa harap niya.
Tumawa siya. “I’m kidding. Ikaw pa rin ang iniwan kong Celine.” Hinila niya ang ulo ako at napasandal iyon sa dibdib niya. “Na-miss ko ang unica hija ko!” Humalakhak siya at narinig ko na naman ang matinis na pananalita ng aking tita.
“Well, I miss my niece more than you do, Enrico. It’s been years!” Siya naman ang naglakad palapit sa akin at nag-init ang pisngi ko sa hiya. Ang tagal kong hindi nakita ang tita kong ito. Nasa Spain na siya mula nang magpakasal sa Espanyol na nakilala niya roon at isang beses pa lang siyang umuwi rito. Iyon ay noong seven years old pa ata ako. Hindi ko na rin maalala masyado at malabo na ang mga imahe ng alaala ko noon sa kanya.
Marahan niyang hinila ang braso ko hanggang nasa harap na niya ako. Nagulat ako sa lambot ng palad niyang nakadampi sa akin. Maputi siya kumpara sa naaalala ko. Matangkad dahil sa pumps na suot at kahit na makapal ang make up ay nakilala ko pa rin ang tita kong noon ay kaya pa akong buhatin dahil sa liit ko.
Isang nahihiyang ngiti ang binigay ko sa kanya.
“Goodness! I must say that you have grown to be a beautiful woman. When’s your birthday, hija?” Ngumuso siya at lumipad ang mata na parang nag-iisip. “Ah! January, right?” Aniya.
Tumango naman ako. Hindi na nagulat na hindi na siya sigurado sa buwan kung kailan ang birthday ko. Ilang taon na rin ang lumipas at marahil pati hitsura ko ay nakalimutan na niya kung wala lang kaming pinapadalang pictures sa isa’t isa.
“Opo. January 14 po. We’re turning nineteen on January, tita.” Sabi ko at binaling ang mata sa aking kambal na wala pa rin sa kanyang sarili.
Hindi ko na pinahalata ang pag-aalala ko sa kanya. Hindi ko alam kung may alam na ba rito sina Lola o Papa. Wala ako sa pwesto para magsabi ng kanyang problema sa kanila.
BINABASA MO ANG
Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)
Teen FictionCeline Marie Ricaverte doesn't have to choose. Sa una pa lang naman kasi ay kilala na niya kung sino ang kanyang pipiliin pagdating sa dalawang lalaking hinangaan niya. It was just a simple crush. Pinagkukumpara niya ang dalawa minsan pero kahit na...