Chapter 24

1.2K 36 1
                                    

CHAPTER 24 — Why Would I

Limang minuto na ang nakakalipas mula nang dumating kami rito sa gym. Our thirty-minute break will be wasted if one of us doesn’t start talking. And I still haven’t eaten yet.

Tumikhim siya at umangat ang mga mata ko sa palapit na lalaki. Matangkad kagaya niya ang lalaking ito at nakilala ko agad bilang miyembro rin ng basketball varsity. Hindi lang ako sigurado sa pangalan ng lalaki. May dala siyang brown bag at tumayo si Lorenzo para abutin iyon mula sa kanya.

“Thanks.” Bulong ni Lorenzo rito at tumalikod na ulit paalis 'yong lalaki.

Nagtaas ako ng kilay nang lumapit siya kasama iyon. “Sorry, ito lang. Konti lang kasi 'yong time natin. Babawi na lang ako sa lunch break.” Aniya bago inabot sa akin ang brown bag. Sa loob nun ay nasilip ko ang dalawang klase ng cupcake at isang Zesto juice.

Hindi ko alam kung anong iisipin ko sa binigay niya pero nagpasalamat na lang ako dahil gutom ako ngayon. Kinuha ko ang cupcakes at inabot sa kanya ang isa. Nginitian niya ako at tinanggap iyon.

Kumain ako pero hindi ko iyon inubos. Gusto ko nang malaman kung anong pag-uusapan naming dalawa at nandito pa kami sa gym imbes na sa classroom na lang. Dalawa lang kami rito. Ni aninno ng kahit na sino ay wala akong mahagilap. Abot abot ang kaba ko at humugot ako ng malalim na hininga para makapagsalita na.

“Uhm…” Halos sabay kami nang bitiwan iyon.

Awtomatiko ang ngiti naming dalawa. Unti unti ay gumagaan ang loob ko. “Anong pag-uusapan natin?” Tanong ko na.

Bigla ay nawala ang ngiti niya at bumuntong hininga. Nilapag niya ang cupcake sa gitna naming dalawa at tinabi ko ang akin doon. Nauubos ang oras. We only have twenty-five minutes. At sumasabay sa mga segundo ang tibok ng puso ko.

“About what I said to you… You know... 'Yong sinabi ko nung nandito tayo. Dito mismo kung saan tayo nakaupo. I… Uhm.” Bumuhos sa akin ang mga alaala ng hapong iyon.

Tiningnan ko siyang maigi pero mas lalo lang niyang iniwas ang mukha niya. Wala ang confident, friendly at palangiting Lorenzo na nakilala ko. This is a nervous Lorenzo. Pinadaanan niya ng mga daliri ang buhok bago pinahinga ang dalawang kamay sa ibabaw ng kanyang hita.

Alam kong darating sa puntong mapag-uusapan namin ito. Umiwas ako ng ilang araw pero heto kami at nag-uusap na tungkol sa mga nasabi niya noon. I don’t know how to react with this. I don’t know how to take this. Unang beses na may lalaking nagsabi sa aking gusto niya ako. Pero kung hindi naman iyon totoo, kung nabigla man si Lorenzo noon, ayos lang sa akin. Matatanggap ko…

Kumuyom ang mga kamay niya. “Totoo 'yon.”

Naubo ako at napunta sa ilong ko ang mga kinain ko. Pinanlakihan ng mata si Lorenzo at pinunit ang brown bag para mabilis makuha ang juice. Hinanap pa niya ang straw at agad tinusok sa tetra pack. Hinawakan niya ako sa balikat para ilapit iyon sa bibig ko.

Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon