CHAPTER 31 — I Am Sure
Sa ilang araw na hindi ko nakakausap ang best friend ko ay hindi na ako umasang magmemensahe pa siya sa akin. Pero kahit na ganoon ay hindi ko pa rin napigilan magbukas ng account sa lahat ng social network na mayroon ako ngayong gabi. I have so many news to tell her. Too many questions I need to ask. Mula sa dahilan ng biglaang pag-alis niya ng walang paalam, hanggang sa mga nanggugulong damdamin sa aking dibdib. Wala naman kasi akong ibang makakausap kundi si Elaine lang. But I still couldn't find her. Her account is still deactivated. Kaunting panahon na lang ay tuluyan na iyong made-delete kung hindi niya babawiin. And then I won't be able to reach or communicate to her again.
Minsan naisip ko nang puntahan ang kanilang bahay. Pero naaalala ko lang na binenta na nila iyon nang lumipat sila ng siyudad at hindi ko naman alam kung saan mismo ang address ng bagong tinirhan nila. Gusto kong magtanong kay Conrad pero ayaw ko nang dagdagan pa ang pasakit niya. Alam kong nasaktan din siya sa pagkawala ni Elaine. He likes her. Pero ngayon ay wala na ang babaeng gusto niya. We might tease each other alot but not when it comes to sensitive stuff like this.
Binuksan ko ang website ng Google nang mawalan ng pag-asa sa mga social network. Dito pwede kong malaman ang impormasyon ng kahit sino. Tinipa ko sa keyboard ang buong pangalan ni Elaine. There are at least a hundred results but none of them is with reference to Elaine. Halos maubos ko ang mga results para lang malaman kung litrato o impormasyong tungkol sa kanya ang aking mahahanap but there was nothing. She's like a lost girl. A girl who was gone and couldn't be found anymore.
Nangingilid na ang aking luha. Am I really a friend to her? Kung ganoon ay bakit nagkaganito ang pagkakaibigan namin? Bakit parang nagkulang ako dahil hindi ko alam ang mga nangyari sa kanya bago at matapos niyang umalis? Does she have a family problem? School problem? May problema ba siya sa akin? I don't know. She's always jolly and positive. Hindi ko kailanman nakitang may prinoblema si Elaine.
"Sunduin niyo po ako ng mga 12, Kuya Ben." Magalang kong sambit sa aming driver. Ako lang mag-isa ang nagpahatid school ngayon. Madalas ay narito dapat si Conrad para sa practice ngunit abala siya sa academics, siguro ay project o research.
Umalis ang aming kotse. Pansin ko ang pagdating ng iilang estudyante. Ito ang unang araw nang aming tutorial program. It's exciting but I feel nervous, though. Hindi ko naman kasi alam kung paano magturo ng subject kung saan nag-e-excel ako. Minsan kasi ay mas mahirap turuan ang ibang tao kaysa ang iyong sarili.
Pababa na ako ng kotse nang habulin ako ng aming driver. "Hindi kita masusundo mamaya, Celine. Nag-text ang papa mo at kailangan niya ako."
"Ah, ganun po ba?" Tumango ako.
"Hihintayin ka na lang daw ng lola mo at mag-ingat ka raw." Anito at saka umalis.
Sa pagpasok ko sa Math Lab ay kapansin pansin ang mga members na may librong kasama. Napangiti ako sa kanilang mga dala at mukhang ready'ng ready na sila. Sa dalawang classroom na katabi nito huling napagdesisyonan na gawin ang tutorial class. Para hindi na mahirapan kung sakaling may kailanganing gamit na related na Math na mahahanap naman sa Math Lab.
"I'll orient them first. It will only take a few minutes." Ani Vans na nauna pa sa akin dumating. Hinintay niyang makumpleto ang lahat hanggang sa ginawa na niya ang maikling orientation.
Kapansin pansin ang iba't ibang reaksyon sa mga mata ng batang sumali. It was their decision to join kaya wala akong nakitang umaayaw sa mga naririnig nila. The parents are just supporting their childrenn, that's what I knew. Kaya naman hindi na kami mahihirapan sa kanilang mga reklamo dahil kusang loob silang sumali rito. They were all here because they wanted to learn.
BINABASA MO ANG
Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)
Teen FictionCeline Marie Ricaverte doesn't have to choose. Sa una pa lang naman kasi ay kilala na niya kung sino ang kanyang pipiliin pagdating sa dalawang lalaking hinangaan niya. It was just a simple crush. Pinagkukumpara niya ang dalawa minsan pero kahit na...