Chapter 7

1.4K 40 2
                                    

CHAPTER 7 — Officer

“Patay na!” sigaw ko kay Elaine nang ikwento ko ang mga sinabi sa akin ni Vans kanina.

Kinuha ko ang aking unan at binaon doon ang kanina pang mainit kong mukha.

“Ano? Bakit naman? Ayaw mo 'yon? Chance!” Sabi ni Elaine na kanina ko pa rin naririnig mula sa kanya.

Chance? Anong chance? Ipinahiya lang naman ako ni Vans sa sarili ko at sa harap niya! Hindi ito maaari! Sinungaling ang supladong 'yon!

“Anong chance? Eh bakit siya tumawa ng tumawa after ng sinabi niya?” Buwisit kong tanong.

Totoong tumawa si Vans. Sa gulat ko nang sabihin niyang maganda ako ay todo ang pamumula ko at lumipad pa ang kamay ko sa bibig dahil sa gulat. Nabigla ata siya na ganoon ang reaksyon ko kaya tumawa siya.

At pagkatapos niyang tumawa, “Aalis na siguro ako. Tapos na naman ang meeting natin 'di ba?”

“'Yon! 'Yon ang nangyari, Elaine. Nakakinis!” Sinabunutan ko ang aking sarili nang maalala ang detalyeng iyon.

“Oo narinig ko. Ilang beses mo nang kinwento simula kanina.” Wala ganang sabi niya. “So? Eh ano kung tumawa siya? Binawi ba niya? Ang problema diyan eh kung binawi niya at sinabi niyang nagbibiro lang siya. But, Celine! He did not take back his words! Natawa lang naman siguro siya dahil sa gulat mo. And to save you from humiliation, nagpaalam na lang siya at umalis.”

Paliwanag niya na kanina pa rin pinapaintindi sa akin. But I still cannot believe that after he said I’m beautiful, he will laugh at me like I’m the ugliest person alive! Meron bang ganoon?

Umirap ako sa kawalan. Kahit sa sumunod na araw ay nakatatak pa rin sa kukote ko ang tawa ni Vans at kung paano ako napahiya.

“Hi, Celine!” Bati ni Lorenzo. Araw araw siyang bumabati sa akin ng ganyan kada papasok ako.

Isang matamis na ngiti para sa isang gwapong lalaki ang ipinamalas ko.

“You look happy today?” Aniya sa akin.

Wala pa ang pinsan niya. Hindi pala sila sabay pumapasok? Akala ko kasi noon ay nagsasabay silang pumasok at may iisang kotse lang sila. But these are the Fajardo’s. Mayaman, maraming negosyo at maimpluwensya ang kanilang pamilya. Kahit dito sa aming school ay may impluwensya ang pamilya nila. Kaya imposibleng nagshe-share silang dalawa sa iisang sasakyan para lang sabay pumasok.

Umiling ako bilang sagot. “Hindi naman. Maganda lang ang gising.” Ngiti ko kahit hindi naman talaga. Eh naaasar nga ako sa naaalala kong nangyari kahapon tapos mukhang masaya pa ako ngayon? Halos bangungunitin na nga ako dahil napanaginipan ko pa ang nangyari!

Ngumuso si Lorenzo. “Oh, okay. Sana araw araw na lang maganda ang gising mo para maganda ka rin.” Pagsabi nun ay pumangalumbaba siya at tinitigan ang aking magandang mukha.

Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon