Ending

1.5K 45 6
                                    

Thank you for reading the whole story. I hope that you will support my other stories too. Especially the stories of the other characters here in "Is Your Crush Meant for You?" It will be posted soon! Thank you so much! I love you!

----


ENDING


I was very much enchanted when I saw her face. Yes, enchanted was the right word to describe my feelings right now. Kahit na isang sulyap lang sa kanyang mukha ang aking nakuha, ibang klaseng pakiramdam agad ang naramdaman ko.

Tumingin ako kay Conrad at sa babaeng kausap niya. They are alike. They have the same features kahit na mas maputi ng kaunti si Conrad sa kanya. She was petite and if I was to stand beside her, I'd say na hanggang baba ko lang ang lebel ng mga mata niya. Her eyes are big and she has a long shiny black hair.

Umiwas agad ako ng tingin nang lumingon sa akin si Conrad, ang aking teammate.

Inayos ko ulit ang mga gamit ko sa locker. Kahit na panay ang ayos ko sa mga libro roon ay sumusulyap pa rin ako sa babaeng nasa labas. Naramdaman ko na lang na nangingiti na ako habang nagsasalita siya sa harap ni Conrad.

"Sorry, bro. May tinanong lang 'yong kapatid ko. Sa'n na nga 'yong usapan natin?" Aniya sa akin nang makabalik.

Isang beses pa akong tumingin sa labas ng locker room ng mga boys nitong eskwelahan namin para malaman kung nakaalis na ba ang babae.

Umiling ako. "I still don't want to, Con. Kayang kaya na ni Lorenzo 'yon." Sambit ko at nilagay na sa balikat ang aking bag. Umalis ako sa tabi ni Conrad at lumabas ng locker room.

Hindi dahil sa iniiwasan ko ang pamimilit ni Conrad na maging assistant ng captain ng basketball team ng school kung bakit ako mabilis na lumabas. I really like to see her again. I like to look at her some more. Hindi ako nakuntento sa simpleng pasulyap sulyap lang kanina. Gusto kong titigan ang mukha niya.

But I didn't see her again that day. Pero hindi ako nahirapan na hanapin siya sa mga sumunod pang araw. I learned that she's Conrad's sister, his twin. At ang kaibigan niya ay ang babaeng kinahuhumalingan ni Conrad. I know... I am very good at reading people. Kaya naman nalaman ko ang lahat ng iyon nang hindi nagtatanong kanino man. It's not my thing. Kaya nga ako may utak ay para humanap ng ibang paraan para makuha ang mga gusto kong malaman.

"Practice game mamaya!" Utas ni Lorenzo sa aking tabi matapos tapikin ang aking balikat.

Tiningnan ko siya at tumango. "Alright. Kasama ba sila Conrad?" Tanong ko sa kanya. Kailangan kasama si Conrad. Dahil kung nandoon siya, siguradong naroon din ang kapatid niya.

"Oo naman, couz. Ba't naman mawawala 'yon?" Sabi niya sa imposibleng mangyari.

Kahit na grade 7 pa lang ay napansin na ang galing naming magpinsan sa paghawak ng bola. Lalo na sa paglalaro nito sa loob ng court. Naatasan si Lorenzo na maging assistant captain para punahin at turuan ang iba pang members ng team. Walang inggitan na nangyari sa aming magpinsan dahil ipinaubaya ko sa kanya ang posisyon. Siguro kung may naiinggit, iyon ang mga taga higher levels na hindi matanggap na isang grade 7 ang sinusunod nila.

Si Conrad naman ay madalas ding isali ng aming coach sa mga practice game. Gustong gusto ko 'yon. Kung kasali ako ay dapat naroon din si Conrad. In that way, manonood ang kanyang kakambal at magkakaroon ako ng pagkakataong masilayan siya ng walang kahirap hirap.

She watched us play until the game ended. Kitang kita ko kung paano umiikot ang mata niya sa buong court para sundan ang aming laro. I like her. I like her very much. Hindi ko alam kung anong klaseng pakiramdam ito pero kapag nakikita ko siya, bumibilis ang tibok ng puso ko. Hinihingal ako at batid kong hindi dahil sa laro ang dahilan nito. I knew it was all because of her.

Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon