CHAPTER 46 — Will You...
Sobrang kabado at hindi ko malaman kung paano ko haharapin ang tatay ko matapos nang mga narinig ko kay Vans. Hinatid niya ako sa bahay matapos ng matagal at masisinan naming pag-uusap. I asked him how it happened. Kung paano niya kinausap si papa at nakumbinsi sa kanyang nais mangyari. I don't know what to think and what to say. Naguluhan ako at nawindang ang utak at puso ko sa gustong mangyari ni Vans para sa amin. I have to think about this and ask papa.
Nagdabog ako nang pumasok ako sa kwarto ni Conrad. Huling huli ko ang paninitig niya sa kanyang laptop at ang gulat sa mata niya nang marinig ko. Agad niyang sinara ang laptop na nasa ibabaw ng kanyang hita at kung tama ako, malamang nabasag ang screen niyon sa lakas ng hampas niya.
"What the! Celine, ano ba?!" Sigaw niya sa akin. Nilapag niya ang laptop sa tabi at ginusot ang buhok.
Kinunotan ko siya ng noo at binalingan ang laptop. "Bakit? May ginagawa kang masama 'no kaya ka nagulat?" Tanong ko nang balingan ko ulit siya.
Namula ang kanyang mukha pero dahil may nakapaskil na galit doon ay hindi ko malaman kung dahil ba iyon sa nahuli ko siyang gumawa nga ng masama o talagang namumula siya sa galit. "Nakakagulat ka kasi. You should've knocked first." Aniya, mas mahinahon na ang boses.
Hindi ko pinansin ang pagbabago ng tono niya at umupo na lang sa may paanan ng kama. "Hindi ka rin naman kumakatok kapag ikaw ang nagpupunta sa kwarto ko." Pang-asar ko kahit na hindi naman iyon epektibo sa kanya. "Ano ba kasi talagang ginagawa mo at nagulat ka?" Tanong ko habang dahan dahang pinapagapang ang kamay malapit sa kanyang laptop.
Hinampas niya ang kamay ko nang makita ang ginagawa. Humagalpak ako sa tawa nang mas namula pa siya.
"Alright! I won't ask anymore. Baka mawala ang kainosentehan ko." tinaas ko ang dalawang kamay sa posisyong sumusuko.
"Shut up!" Sigaw niya.
Tumawa ulit ako. Ilang sandali pa bago ko maalala ang tunay na dahilan kung bakit ako narito. Tumikhim ako at nang mapansin niya ang pagbabago ng ekspresyon ko ay kumalma na rin siya.
"Why are you here?" Pangunguna niya sa akin. Tuluyan na niyang nilayo ang laptop mula sa akin. Nasa side table na iyon sa kabilang parte ng kanyang kama. Tiningnan ko iyon pero hindi na nag-abalang mag-isip pa sa tinatago niya sa laptop na iyon.
"I'll ask you a question and please, please be honest to me. At 'wag mo akong asarin, please lang Conrad. I am so damn confuse and I have so many questions in mind pero isa lang 'to." Matindi ang pakikiusap ko sa kanya. I am dead serious. Kapag nang-asar siya sa itatanong ko ay baka masakal ko siya.
Huminga ako ng malalim. Sinusuri ni Conrad ang mukha ko at kahit na may kunot sa noo niya, alam kong alam na niya kung anong itatanong ko.
"I can't ask papa. Nahihiya ako at natatakot. Kaya ikaw na lang." Huminga ulit ako ng malalim. "Totoo bang nagkausap sila ni Vans tungkol sa pagsama ko sa kanya abroad?" Kinagat ko kaagad ang labi ko. Natatakot sa isasagot ni Conrad.
I do not know why I'm feeling scared. Nakakalito na kasi at parang hindi pa dapat ito nangyayari.
Bumuntong hininga si Conrad. It's like he's expecting an intense question but he only got a simple one. 'Yong may madaling sagot at hindi na kailangan pag-isipan. "Yes, Celine. Nag-usap sila at nandoon ako." Umiling siya at saglit na ngumisi. "I couldn't believe it. Nung nagtanong siya, I thought he was just kidding. Pero si papa ang kaharap niya, he wouldn't joke in front him."
Suminghap ako at natutop ko ang aking bibig.
"And what's more unbelievable is that he asked me to come with you. Sasamahan ko raw kayo para hindi mag-aalala si papa na kayong dalawa lang doon."
BINABASA MO ANG
Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)
Teen FictionCeline Marie Ricaverte doesn't have to choose. Sa una pa lang naman kasi ay kilala na niya kung sino ang kanyang pipiliin pagdating sa dalawang lalaking hinangaan niya. It was just a simple crush. Pinagkukumpara niya ang dalawa minsan pero kahit na...