CHAPTER 48 — Habang Wala Siya
Masama ang pakiramdam ko. Hindi dahil sa magkakasakit ako kundi dahil kumikirot ang puso ko. Hindi ko magawang tingnan si Vans at kahit sulyap ay hindi ko kaya. I could feel his anger. I could feel him hating me while we're inside his car. Ang sakit sakit isipin na galit siya sa akin. Parang pinipiga ang dibdib ko.
Pinipilit ko ang sarili kong magsalita ngunit sa tuwing susubukan kong ibuka ang aking bibig ay wala namang lumalabas. Wala dahil wala akong masabi, wala akong maisip na magpapagaan ng sitwasyon naming dalawa. Kung hihingi ulit ako ng tawad, baka magalit na siya. Iyon kasi ang nangyari kanina. Hindi niya tinanggap ang paghingi ko ng tawad. Basta na lang niya akong hinila para isakay sa kotse at hanggang ngayon ay tahimik pa rin siya.
Huminto kami sa tapat ng aming bahay. Malikot ang mga mata ko, gusto siyang tingnan pero natatakot ako sa makikita.
"We're here." Aniya sa napakalamig na tono. Mas malamig pa ito kumpara noong una kaming magkausap.
Kinagat ko ang nanginig kong labi. Umiling ako sa aking sarili. No, I won't leave without talking to him. Kung tatagal ito ay mas lalala. Mas mabuti nang maayos ito bago matapos ang gabi.
"Vans..." Panimula ko at nabasag pa ang boses ko. "Gusto ko lang malaman mo na hindi ibig sabihin na ayaw kong sumama ay hindi na kita mahal." Usal ko na parang ipinagtatanggol ang sarili.
Suminghap siya. I feel his frustration.
"Sana 'wag 'yon ang isipin mo. I love you, Vans. Ikaw lang ang lalaking minahal ko. Ikaw ang una ko at para sa akin ay ikaw na rin ang huli. Kaya sana 'wag mong isipin iyon." Pakikiusap ko.
Naglakas loob kong lingunin siya. Nananatili ang mga mata niya sa harap at ang kamay niya ay namumuti habang hawak ang manibela. Ramdam na ramdam ko ang galit niya.
"At patawad kung binanggit ko ulit 'yong tungkol sa bata pa tayo..." Nangunot ang noo niya pero nagpatuloy ako. "Nasabi ko lang iyon kasi 'yon ang totoo, Vans. Hindi ibig sabihin niyon ay bawal na tayong magmahalan dahil bata pa. Ang ibig ko lang sabihin ay... umaasa pa tayo sa mga magulang natin. We can't just go somewhere and live together, Vans. Kahit mahal pa natin ang isa't isa." Mabilis ang pagkagat ko sa aking labi. Gusto ko nang tumigil dahil sa mga nakikita kong reaksyon sa mukha niya.
Namumula siya at hindi na naalis ang gusot sa gitna ng mga kilay. Masakit isiping hindi niya ako naiiintindihan.
Tahimik lamang siya. Sumuko na ako. Pero ngayong gabi lang. Sige, palilipasin ko ang gabing ito. Baka kapag umuwi siya at napag-isa ay makapag-isip isip siya. Baka sakaling hindi na siya galit sa muli naming pagkikita. Maiintindihan din niya.
Umakma akong hahawakan ang bukasan ng pinto nang marinig ko ang mabibigat niyang paghinga.
"I can't understand, Celine." Tumawa siya dahilan para bilisan ko ang paglingon. Napagtanto kong sarkastiko ang kanyang tawa. "Naturingan akong matalino pero hindi ko talaga ito maintindihan. Why not come with me? Mahal mo ako pero paaalisin mo ako ng mag-isa?" Hindi niya ako tinitingnan at para bang ang kausap niya ay iyong harapan lang niya.
"Ito ang sinasabi na plano ng tatay mo, 'di ba?" Tanong kong sa wakas ay nagpalingon sa kanya at tumingin sa akin. "You were planning all these even after we had our relationship." Utas ko.
Kumunot pang lalo ang noo niya. "Yeah... Matagal na. Bata pa lang ako ay desisyon na nila na dalhin ako sa ibang bansa pagkatapos ng high school. I didn't protest because I like it too. I want to study there because of the opportunities. Pero ngayon—"
BINABASA MO ANG
Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)
Teen FictionCeline Marie Ricaverte doesn't have to choose. Sa una pa lang naman kasi ay kilala na niya kung sino ang kanyang pipiliin pagdating sa dalawang lalaking hinangaan niya. It was just a simple crush. Pinagkukumpara niya ang dalawa minsan pero kahit na...