Chapter 40

950 19 0
                                    


CHAPTER 40 — Damn Serious


"I-type mo na 'to tapos saka ko ibibigay 'yong sa ibang related literature." Utas ni Wilson kay Lorenzo na taga-type ng aming research.

Narito kami ngayon sa bahay nila Lorenzo kasama ang buong grupo namin. Apat na lalaki at dalawa lang kaming babae rito. Kami ni Tessa ang taga hanap ng mga impormasyon sa mga librong aming nahiram at ang mga lalaki naman ang nakaatas sa pagkuha sa net at pagta-type.

"Reliable dapat lahat ng 'yan ah." Sabi ni Vans nang magsimula nang mag-utos sila Wilson at Howard ng ita-type kay Lorenzo.

"Oo naman, bro. Mga articles at journals naman ang kinukuhaan natin." Sagot ni Wilson.

Dahil kahit anong topic naman ang pwede naming gawin sa English ay humantong kami sa alam naming pinakamadali. Isang pag-aaral tungkol sa mga estudyante ang aming ginawa. We are studying about how self-directed learning helps an individual. Kung mas natututo ba ang estudyante kung mag-isa itong nag-aaral o kung may gumagabay sa kanya.

"Hanggang chapter three pa lang naman ang ipapasa natin. Hindi na kailangan tuunan ng pansin 'yong mga data na hindi naman sigurado." Sabi ni Vans na nasa aking tabi.

Tutok na tutok siya sa laptop niya mula nang magsimula kami. I see that when it comes to studies, he is very serious with it. Paminsan minsan ay aabutin niya ang kamay ko para paglaruan habang may binabasa pero hindi pa niya ako kinakausap kung hindi rin lang tungkol sa aming ginagawa. Kung aral ay aral. 'Yon ang napansin ko sa kanya tuwing may mga ganito kaming groupings.

Pinasa namin ang aming ginawa ng sumunod na linggo. It was very tiring at kaunti lang ang tulog naming grupo. Ganito na pala kapag masyadong maraming requirements na kailangan. Matapos ng aming gawain sa bahay nila Lorenzo ay tinuloy namin iyon sa sari-sariling bahay. Online ang lahat sa facebook para roon makapag-usap at makapag-send ng mga nagagawa namin sa isa't isa. Mabuti na lang at uso na rin ngayon ang mga ganyan. I can't imagine life without social networks.

"Ihahatid kita sa bahay niyo mamaya tapos babalik ako rito sa school." Sabi ni Vans sa akin.

Ngumuso ako dahil sa kanyang sinabi. Bakit babalik pa siya rito? "Sige." Matipid kong sagot.

"We have practice." Aniya kahit hindi ko naman tinanong. "Ayoko nang maistorbo kita. Nakakapagod na ang linggong ito sa atin." Sabi niya habang kinukuha ang kamay kong nakapatong sa aking armchair.

Pinisil pisil niya iyon at kahit gaano karaming beses na niya iyong ginagawa ay hindi pa rin ako masanay sa kuryenteng dala niyon sa akin. Para bang gumagapang mula sa kamay niya ang elektrisidad patungo sa akin.

Bumagsk ang tingin ko sa braclet na binigay niya. Dalawang linggo na mula nang ibigay iyon ni Vans sa akin. Dalawang linggo pa para madagdagan na iyon ng isa pa. Kinagat ko ang labi ko sa hindi mapigilan na ngiti. Hindi na ako makapaghintay na mapuno iyon.

"Why are you smiling?" tanong ni Vans na napapangiti na rin habang tumititig sa aking mukha.

Umiling ako. "Wala lang." Utas ko sa kanya.

"Ang tahimik mo ngayon." Sabi niya habang abala ang daliri sa ibabaw ng aking palad.

"Ang seryoso mo rin kasi masyado. Nakakapanibago ka kapag ganitong subsob tayo sa pag-aaral."

Iyon kasi ang napapansin ko kay Vans nitong nakaraang linggo. He is so serious about academics. Hindi naman iyon masama dahil makakabuti iyon sa kanya. Napansin ko lang na masyado niyang pinapagod ang kanyang sarili gayung nandito naman kaming kagrupo niya. Nandito ako.

Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon