CHAPTER 45 — Hiniling At Pumayag
Minadali ko ang pag-alis at sa paglalakad ng mabilis ay may sumalo sa aking mga braso. Hinihingal ako kahit na sigurado akong kaunti pa lamang ang nalalakad ko. Inangat ko ang mga mata kay Warner na kunot-noo akong tinititigan.
"Anong nangyari?" Tanong niya. Nabigla pa ako sa matigas niyang tagalog dahil hindi ko naman madalas marinig sa kanya iyon.
Nanginig ang labi ko at mabilis akong umiling at kumawala sa kanya. "W-wala." Sabi ko at akma nang aalis nang iharang niya ang kanyang katawan.
Sinilip ko si Vans na abala sa pakikipag-usap sa mga kasama sa mesa. Hindi maalis sa isip ko ang isang salitang iba't iba ang kahulugan para sa akin.
"Are you sick? You look pale." Warner asked. Hindi ko siya matingnan dahil hindi ko rin maalis ang titig kay Vans.
"Sumakit lang 'yong tiyan ko. Pa... papasok lang ako sa loob." I couldn't decide if I should go to Vans or get inside the house. Hindi ko alam kung kakausapin ko ba siya o hahayaan na lang ang kung ano mang aking narinig.
"I'll come with you then. Ayoko na rito sa labas." Kinuha ni Warner ang aking braso at kusa akong iginiya sa loob.
Hindi na ako nagprotesta. My decision is to get out of this place.
Pagkapasok ay hindi ko naman alam kung saan ako pupunta. May ilang bisita sa loob na nagkikwentuhan at ang iba siguro ay nanggaling sa restroom. Binabati ako ng kanilang mga ngiti ngunit wala akong maibalik kundi ang tingnan lang sila.
"I talked to your boyfriend. Seems like he's very serious about you." Ani Warner nang samahan niya ako sa kitchen.
Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit na tinamaan sa narinig mula sa kanya. "H-he is. Wala naman siguro siya rito kung hindi." Sa aking sarili ko iyon sinabi. Lumunok ako at binuksan ang ref para sa malamig na tubig.
"He has plans for you, you know?" Naibaling ko ang ulo sa kanya. Hindi ko maalis ang pagkagat sa ibabang labi habang pinagmamasdan si Warner at ang matapang niyang hitsura.
"I know." Sagot ko dahil sinabi na iyon sa akin ni Vans minsan ng makapag-usap kami ng masinsinan. Naglakad ako patungong counter para magsalin ng tubig.
"But you are still young." Natigil ako sa aking ginagawa. Humigpit ang kapit ko sa hawak na pitsel. "His plans for you are unbelievable, Celine. Bata pa kayo masyado para sa mga naiisip niya."
Kahit sino ay 'yon ang iniisip. Kahit ako ay 'yon ang unang naisip nang mahalin ko si Vans. Bata pa kami. Marami pang pwedeng mangyari. Maaaring... naglalaro lang kami. Pero hindi eh. Hindi para sa akin. I am not playing. I don't even know how to play this game. Paanong naglalaro lang ako? Kung may mga plano man kami sa isa't isa, normal lang iyon. Nagmamahalan kami.
"Hindi naman basehan ang edad, Warner." Mariin at may pagbabanta kong sinabi. Ayokong isipin niya na dahil sa mas matanda siya ay kakaya-kayanin na lang niya ako. Kaya kong mag-isip para sa sarili ko.
Ngumiwi siya at ngumuso pagkatapos. "It is Celine." Nilapitan niya ako at dinungaw.
Kahit sa suot kong heels ay matangkad pa rin ang aking pinsan. Malaki rin ang kanyang pangangatawan. He's a few years older than me. Pero kahit na ganoon ay wala pa rin siyang karapatan pagsabihan ako na masyado pang bata para sa pag-ibig. Does he even know anything about it to say such things?
"Hindi mo ako kilala. At lalong hindi mo kilala si Vans. Wala kang karapatang sabihin sa akin 'yan." Utas ko sa laman ng isip ko.
Iniwan ko si Warner sa kitchen at tumungo na sa labas para puntahan si Vans. Bakit ako mag-aalala? Wala naman akong narinig na masama sa mga sinabi ng kaibigan ni Vans. Narinig ko pa nga na mahal talaga ako ni Vans kaya niya nagawang makipagpustahan. Iyon lang naman ang inaalala ko eh. Kung bakit may pustahan. I could ask him that. Why not?
BINABASA MO ANG
Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)
Teen FictionCeline Marie Ricaverte doesn't have to choose. Sa una pa lang naman kasi ay kilala na niya kung sino ang kanyang pipiliin pagdating sa dalawang lalaking hinangaan niya. It was just a simple crush. Pinagkukumpara niya ang dalawa minsan pero kahit na...