Chapter 16

1.3K 43 2
                                    

CHAPTER 16 — Grade 12

Bumuka ang bibig ni Lorenzo para sana magsalita ngunit tumaas ang palad ni Vans sa lebel ng mukha niya upang pigilan. Lumapit si Vans sa kanya at may kung anong binulong. Lorenzo smirked but didn’t say anything. Kumunot ng maigi ang aking noo sa dalawa at nasisigurado kong tungkol sa akin ang binulong ni Vans.

Tinagilid ni Lorenzo ang ulo sa pinsan niya. “Gusto mo sumama ka muna sa amin?” tanong nito na mas nagpabulabog ng mga hayop sa dibdib ko.

Tiningnan ko si Lorenzo pero wala lang sa kanya ang sinabi. Parang natural lang ito at wala siyang ibang ibig sabihin. Sunod na tiningnan ko si Vans na bumalik nang muli ang munting ngiti.

“Sure. Mas lalo lang akong mabo-bore dito eh.” Ani Vans at naglakad na patungo sa kanyang kotse. “Is it okay if we use my car?” Tanong niya na agad naman sinang-ayunan ni Lorenzo.

I smell something fishy from the two but I can’t really name it. Kinagat ko na lang ang labi ko at inisip na coincidence lang ang lahat ng ito. Ayoko na rin mag-assume sa mga kinikilos ni Vans dahil wala namang dapat i-assume. Sumunod na lang ako nang pagbuksan ako ni Lorenzo ng pinto.

“Bilisan na lang natin, Vans.” Ani Lorenzo nang makasakay sa front seat sa tabi ni Vans. “Celine cannot be late on her curfew. Baka pagalitan siya.” Sabi ni Lorenzo na mukhang nag-aalala na baka ma-late ako.

Tumango si Vans at nang tingnan ko siya sa rear view mirror ay nagulat ako sa mga mata niyang nakatitig sa akin.

“Sure, Enzo.” Ani Vans na diniinan pa ang palayaw ng pinsan.

Ngumuso ako. What’s with the nickname Enzo at parang aliw na aliw si Vans nang tawagin ko ng ganoon ang pinsan niya? Bigla tuloy akong nailang. Pamilya lang ba at close friends niya ang tumatawag ng ganoon sa pinsan niya?

Akala ko ay matatagalan pa kami pero mabilis ngang nagmaneho si Vans at naaninag ko na ang pangalang Dreamland Subdivision kung saan kami nakatira. Pumasok ang kotse roon. Sa pangalawang street pa na madadaanan ang bahay namin. Ang subdivision kung saan kami nakatira ay hindi kagaya kung saan sila Lorenzo. Theirs are more exclusive than ours. Popular ang kanila sa mga mayayamang residente habang ang sa amin ay karaniwan lang sa mga may kayang tao. Oo at mayayaman din pero hindi mga business tycoon at kilalang tao gaya ng kayla Lorenzo.

Tumunog ang makina hudyat ng paghinto ito. Nasa tapat kami ng aming gate at napansin ko agad na ang ilaw na lang sa living room namin ang nakabukas. Mula sa bintana ng kotse ay nakita kong bumukas ang pinto namin at lumabas si Conrad.

Sabay sabay kaming naglabasan. Tumakbo ako sa gate para buksan iyon. “P-pasok muna kayo?” tanong ko sa dalawa. Ito ang unang pagkakataon na makakasama ko sila ng sabay. Iyong hindi lang sa school kundi pati rito sa bahay namin. At sobrang nakakailang iyon. But I need to be polite and hospitable.

Kinagat ko ang labi ko nang lingunin ko si Conrad na nakataas ang kilay sa akin. Pinandilatan ko siya, parang nagbabanta na 'wag na 'wag siyang magsasalita ng kung ano sa harap ng dalawa.

Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon