Chapter 49

695 16 0
                                    

CHAPTER 49 — Future


Tatlong araw na ang nakakalipas. Ang akala ko ay pagkatapos ng Lunes ay makakausap ko na si Vans pero wala pa rin. Hanggang ngayon ay hindi pa siya pumapasok. Nang pangalawang araw na hindi siya pumasok ay roon ko lang nalaman na tatlong araw pala ang kanyang excuse letter para lumiban. Nalaman ko lamang iyon nang utusan ako ni Ms. Esperanza tungkol sa organization. Ako lang daw mag-isa muna ang mag-asikaso dahil wala si Vans ng ilang araw.


"Alam mo ba kung anong ginagawa niya?" Tanong ko kay Lorenzo. Kinailangan ko pa talaga siyang lingunin dahil nasa likod ko ang upuan niya.

Umiling siya na parang hindi sigurado sa isasagot. "I don't know. Ang alam ko lang ay inaasikaso na ang mga papeles niya sa pag-alis. He already has his passport dahil umaalis naman siya ng bansa noon. Siguro ay visa ang inaaupag nun ngayon." Aniya habang nakatingin sa akin na parang naaawa.

Bumagsak ang tingin ko.

Vans texts me sometimes but just to ask if how's my day or if I already ate. Sasagot naman ako at pagkatapos niyon ay magre-reply siya na huling text na niya iyon dahil marami siyang ginagawa. I do not have any idea about him and what he's doing. Wala naman siyang sinasabi at hindi rin naman ako nagtatanong.

"Ang tagal naman asikasuhin niyon." Sabi ko at tamad na sumandal sa upuan. My day isn't normal without him. Parang ang tamad tamad ko kada umaga hanggang sa uwian dahil wala siya. Hindi naman niyon naaapektuhan ang pag-aaral ko kahit na lumilipas ang araw na walang kwenta.

"Matagal talaga iyon. Siguro ay hindi maasikaso nila tita kahit na madali lang naman iyon sa kanila." Sabi ni Lorenzo. Sa tingin ko ay nagbibigay na lang siya ng mga dahilan para mapagaan ang loob ko.

Madali nga lang sa kanila iyon. Mayaman sila e. Siguradong marami silang koneksyon at hindi naman mahihirapan si Vans na kumuha ng mga kailangan niya. Pero bakit ang tagal? Hanggang ngayon ay wala pa rin siya sa school. Kung sana ay nagkausap na kami at nagkapaliwanagan bago siya mawala ng ilang araw ay sana hindi ako nag-aalala.

"Sa tingin mo ba galit siya sa akin at umiiwas lang? Baka ayaw lang niyang sabihin at excuse niya lang ito?" Para akong binagsakan ng napakalaking bato nang mapagtanto iyon.

It will hurt me a lot if it is his reason. Sana ay kausapin na lang niya ako kung ganoon. Sana walang iwasan. Pero hindi naman siguro? Nagte-text naman siya. He still cares for me.

Nagtaas noo si Lorenzo. Hindi ko maintindihan ang reaksyon niya sa sinabi ko. "If he's mad then he shouldn't avoid you, Celine. Dapat ay kausapin ka niya para magkaayos kayo." Aniyang medyo iritado ang boses.

Mukha yatang naiirita na siya sa katatanong ko kaya tumigil na ako.

Binalik ko ang tingin sa guro naming abala sa sinusulat sa board. Wala talagang kinalalabasan na maayos ang araw na ito. Puro rin kami quiz at activities. Paminsan minsan ay may mga lesson na pinipilit ko na lang intindihin. Inabala ko ang aking sarili sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga notes. Para hindi naman ako tulala at lumilipad ang isip.

Natapos ang araw na kagaya ng mga nakaraan. Wala si Vans, walang maghahatid sa akin patungo sa parking kung nasaan ang naghihintay kong sundo. Walang hahalik sa kamay ko at walang magpapaalam sa akin kasama ng isang matamis na ngiti. I missed him already. Paano pa kung umalis na siya? Kaya ko ba iyon? It's my decision not to go with him. Pero kaya ko nga ba?

Habang nasa kotse ay nag-text ako sa kanya. Kinumusta ko siya at ang mga inaasikaso niya. Ang tagal na tagal kong naghintay ng kanyang sagot pero walang dumating. Nasaktan ako pero inisip kong abala lang siya. Siguro ay hindi niya magawang tingnan ang cellphone niya. I really hope it's his reason.

Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon