Chapter 5

1.7K 54 2
                                    

CHAPTER 5 — Closer

Kapag nagbitaw ako ng salita, kapag may sinabi akong gagawin ko, kapag nangako ako, tinutupad ko. Hindi ako 'yong klase ng taong walang isang salita. Kaya ginawa ko ang sinabi ko kay Vans. Pag-uwing pag-uwi ko ng bahay ay kinuha ko sa bag ang notebook ko para punitin ang pahina kung saan nakasulat ng paulit ulit ang pangalan niya.

Tinitigan ko ang bawat letra ng kanyang pangalan. Vans. Vans Xavier Fajardo. Ito na ang huling beses na mababaliw ako sa’yo. Hinding hindi na. Isang beses lang na pagkapahiya sa harap mo ay ayoko na. Hindi naman ako tanga para mapahiya ulit ng dahil sa’yo. Kaya simula ngayon, sa ngalan ng lahat ng figurines ng lola ko na iniipon niya, hihinto na ako sa pagkakagusto ko sa’yo. Hindi na kita crush! Tama na at ayoko na!

Tinapon ko ang pahina ng notebook sa trash can ng aming kitchen. Pagkatapos ay kumuha ako ng tubig sa ref para mahimasmasan naman. Hiningal ako nang takbuhin ko ang papasok ng bahay kanina. Gusto ko na kasi talagang matapon ang pahina na 'yon. Ayokong isipin ni Vans na gawa gawa ko lang naman ang mga sinabi ko kanina sa kanya.

Hindi ko na siya muling kinausap o tiningnan man lang matapos kaming kausapin ni Ms. Esperanza. Nararamdaman ko naman kasi na dadalas ang pagkikita at pag-uusap naming dalawa. Sa classroom pa lang ay magsasawa na ako sa mukha niya. Paano pa kung ka-org ko siya? At kami pa ang leaders na dapat mamuno roon?

Kahit kailan hindi ko naisip na magsasawa ako kay Vans pero sa nangyari iyon. Alam kong hindi ko na ulit gugustuhin na makasama siya.

“What’s that?” Nagitla ako sa bulong ng kapatid ko sa tainga ko.

Hinarap at inirapan ko siya. “Wala.” Pagkatapos ay iniwan ko siya roon. Umakyat ako ng aking kwarto.

“Totoo na ba 'yan? Baka nababaliw ka lang ulit!” Sita ni Elaine nang ikwento ko sa kanya ang mga nangyari. Gabi na at kausap ko siya sa Skype.

“Oo nga. Totoo 'to. Narinig mo na ba akong nagsabi na titigilan ko si Vans?” Tanong ko sa kanya.

“Hindi pa.”

“Excatly!” Agad kong putol sa kanya. “Hindi pa. Ibig sabihin, hindi ako nagbibiro. At tandaan mo, Elaine, may is—”

“May isang salita ka. Oo na!” Ngumiwi siya pero tumawa rin. “Paano 'yan? Edi kay Lorenzo ka na lang?” Aniyang nakangisi.

“Huh? Hindi na rin 'no.” Ngiwi ko. “Parehas sila. Ayoko na. Ito lang ata ang hinihintay ko eh. Ang malaman ang mga ugali nila para magtigil na ako.” Utas ko.

“Bakit? Masama rin ba ugali ni Lorenzo?” Tanong niya sa akin.

Parehas kaming hindi naging kaklase ang dalawa sa mga lumipas na taon. Ngayon lang talaga na grade 12 na ako. Sayang lang dahil wala na si Elaine sa aming school.

Ngumuso ako. “Hindi naman. Gusto nga niya akong maging kaibigan, e.” Ngumiti ako dahil hindi ko mapigilan. Parang nahahawa ako sa ngiti ni Lorenzo na nakatatak na sa isip ko.

Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon