CHAPTER 27 — Headlights
Kahit na puyat kagabi dahil pinilit kong matapos ang lahat ng assignment para sa susunod na linggo ay tumayo pa rin ako ng kama upang makasabay sa almusal. Ilang araw nang sabay sabay kumain kaming pamilya mula ng umuwi si Papa at ayokong masira ito dahil sigurado akong ilang linggo mula ngayon, magiging abala na si Papa sa tinatayo niyang negosyo.
Habang nasa hapag ay napag-usapan ang pagdating ni Tita Enrica bukas. Nalaman kong Martes ang uwi nito sa pamilya nito sa ibang bansa dahil kailangan na raw ito ng asawa roon. Ipinaliwanag ni Papa na labag din ito sa loob ni tita dahil gusto pa nito ng ilan pang araw na kasama kami pero hindi na nito mapigilan ang utos ng asawa. Bigla ay may iritasyon akong nadama kay Tito Felipe kahit na si lola na mismo ang nagsabi na mabait naman ito.
“What time are they gonna be here?” Tanong ni Papa nang mapag-usapan naman ang pagdating ng mga teammates ni Conrad.
Tiningnan ko ang kapatid ko na katabi ko lang at nakinig sa kanyang sagot. “Mga 1pm pa naman, Pa. They’ll go straight to the court.” Sagot ni Conrad.
Tumango si Papa at si lola naman ay ngumiti. “Papuntahin mo rito kapag natapos kayo o kaya sa kalagitnaan ng practice niyo. Maghahanda ako ng mirienda.” Sabi ni lola sa kanya.
Sa pagdating ng mga ka-team ni Conrad ay tinawagan siya ng mga ito. Nasa living room kaming dalawa at ako ay nanonood ng t.v. habang siya ay naghihintay.
“They’re here. Sama ka?” Yaya niya sa akin.
Kinagat ko ang loob ng aking labi at mabilis na pinag-isipan ang aking pagsama. Nakaligtaan ko nang i-text ang mga kaibigan ko. Siguradong magtatampo sina Roan at Marian sa akin. Pero parang pakiramdam ko ay hindi na kailangan silang tawagan dahil wala rin naman akong balak magpunta.
Umiling ako. “May tatapusin pa kong journal para sa English.” Sagot ko na pinanliitan niya ng mata.
Hindi ko alam kung nababasa ba niya o nararamdaman ang nasa isip ko. He’s my twin. He can say what I am thinking or what I am feeling. Pero sana hindi na niya mabasa dahil kaba at nerbyos ang nararamdaman ko para sa dalawang bagay.
“Alright. Sabihan mo na lang sila lola.” Aniya at tumakbo na palabas ng bahay.
Hindi malayo ang court dito sa amin. Lalakarin ko lang iyon at isang kanto lang ay nandoon na ako. Narinig ko ang ilang humintong sasakyan sa labas ngunit hindi na sila pumasok dito. Siguro ay dumiretso na sa court kasama si Conrad.
Habang nanonood ay iniisip ko kung paano kaya kung magpunta ako. Naroon ang magpinsan. Alam kong nakausad na ako sa tensyon sa pagitan namin ni Vans at nakakausap ko na ulit siya ng normal kahit papaano. Si Lorenzo ay kaibigan ko sa kabila ng mga inamin niya. I guess there’s nothing wrong with coming over to the court.
Tumayo ako at piniling magpunta na lang ng kusina para maghanap ng makakain. Saktong naghahanda si lola ng empanada na siya mismo ang may gawa. May bilog na chocolate cake din sa mesa at tatlong pitsel ng juice. Lumabas si lola mula sa dirty kitchen at hawak niya ang baked macaroni.
BINABASA MO ANG
Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)
Teen FictionCeline Marie Ricaverte doesn't have to choose. Sa una pa lang naman kasi ay kilala na niya kung sino ang kanyang pipiliin pagdating sa dalawang lalaking hinangaan niya. It was just a simple crush. Pinagkukumpara niya ang dalawa minsan pero kahit na...