Chapter 39

893 23 2
                                    




CHAPTER 39 - More Bracelets

Vans's right. He was never wrong. Dahil lubos na kaligayahan nga ang natatamo ko nang maging kaming dalawa. With commitment, with label. Mas masaya pa pala ito kumpara sa mga panahong nililigawan pa lang niya ako. It was a very short time, yes. Pero napagtanto kong tama siya. Bakit pa patatagalin ang lahat kung dito rin naman ang bagsak namin. Pwede pa rin naman niya akong ligawan kahit na magkasintahan na kami.

Nagsimula ang second quarter at hindi man katabi pero nasa likod ko naman sina Vans at Lorenzo. We had a different arrangement this time. Korteng letrang U ang ayos ng mga upuan at magkakasama ang mga magkagrupo sa research. Nasa kanang bahagi kami nila Vans at Lorenzo kasama ang iba pa naming kagrupo. Sa likod ko sila at ang katabi ko ay ang kaklase naming lalaki na daig pa ang reporter sa kadaldalan at dami ng opinyon.

"Siguro mas maganda kung simulan na natin ang research ngayon pa lang." Ani Wilson, ang aking katabi.

"Siyempre sisimulan na natin. Pangit din 'yong cramming tayong lahat by the end of the quarter." Sagot ko sa kanya.

Hindi naman ako nahirapang makisama sa kanya. He was my classmate for the third time now. Alam ko na ang kanyang ugali kahit na hindi naman kami gaanong ka-close noon. Komportable ako dahil sa magaan niyang pakikutungo sa lahat. At hindi siya iyong astig-astigan na lalaki na mayabang kahit na wala namang laman ang utak.

Naramdaman ko ang init ng hangin sa aking likod. Hindi na ako nagulat sa aking naramdaman. Pero nagtindigan pa rin ang aking mga balahibo. Here he goes again! Ito na yata ang bagong paborito ni Vans. Ang isandal ang ulo sa likod ng aking upuan para makalapit sa akin. Ang init ng kanyang hininga ay dumadapo sa aking batok. Ito ang paraan niya para mapansin ko siya at lumingon ako sa kanya.

Dumiretso ako ng upo para hindi na maramdaman ang buga ng kanyang hininga. Nilingon ko rin siya nang malamang hindi siya aalis doon. Kinunotan ko siya ng noo habang inosente ang kanyang mukha.

Umiling ako at tumaas naman ang kilay niya.

"Kung magsisimula na tayo, saan tayo gagawa?" Tanong ni Vans.

Napangiti nalang ako roon. Sinasabi ko na nga ba. Makikisingit lang siya sa usapan namin ni Wilson. Palagi siyang ganyan kahit na hindi naman dapat siya nakikisali sa usapan. He has an excuse this time. Member siya at leader din ng group.

"In one of our member's house." Sagot ni Wilson. "Mahirap dito sa school dahil sa curfew. Siguro kapag kailangan na lang natin ng mga related literature ay saka tayo rito gumawa para sa library tayo."

Si Lorenzo naman ang sumingit na nakahilig na rin sa amin. "Sa bahay namin!" Aniya.

Tumango si Vans at bumalik ang mga mata sa akin. Naghihintay siya ng pag-oo ko. Ang huling beses na nakayla Lorenzo ako ay masamang alaala para sa akin. Pero ilang linggo na rin ang nakalipas mula ng araw na iyon. I almost couldn't remember his exact words that time. Siguro ay kung pipiliin mo talagang makalimot ay magagawa mo. I already forgave him. I should also forget about it.

"Osige. Sabihan na natin ang iba sa mga plano." Ani Vans.

Recess time at kakaakyat lang namin. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang klase pero tatlo pa lang kami na narito sa grupo. Maya maya lang ay nagsidatingan na rin ang iba at sinabi namin sa kanila ang plano para sa aming research.

Mabilis ang pagdaan ng mga araw. Ang sumunod na quarter ay mas lalong nagparamdam sa amin na malapit na kaming umalis sa aming paaralan para lumipat at tumungo sa panibagong kabanata ng aming buhay. Mas pinag-igi namin sa pag-aaral dahil iyon na ang hinihingi sa amin ng lahat. Mahirap na kasing mahuli at hindi maka-graduate dahil lang nagpabaya kami.

Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon