Sa mga may gusto, join my Facebook group. :) Usap usap tayo dun.
Click niyo EXTERNAL LINK sa gilid para makapunta sa group. Salamat!
---
CHAPTER 17 — Manliligaw
“MCTP.” Ani Vans sa mga members matapos isulat sa white board ang pangalan ng unang program na sisimulan ng aming organization. “Mathematics Circle Tutorial Program.”
Nasa harap siya at ako naman ay nakiupo na lang at nakinig sa kanya. Parang wala rin akong role dahil siya na lang ang salita ng salita. Wala rin naman akong masabi at alam na alam na ni Vans ang lahat ng kailangan niyang gawin.
“We’ll call our tutoring program MCTP.” Ulit niya. “Hindi naman required na lahat kayo ay mag-tutor. But it is an additional grade for your extra curricular activities. Malalaman ni Ms. Espi ang mga sumali at siya ang bahala sa merits na makukuha ng mga willing sumama.” Paliwanag niya. “There are other activities that you can also join but this one is the most prioritize dahil buong taon natin itong gagawin.”
Siya ang nakaisip ng lahat ng ito. Pati pagpapangalan at tawag sa tutoring program ay siya mismo ang nagbigay. May kaunti akong natulong at kahit ni Ms. Esperanza ay ginabayan naman kami rito.
“Any comments? Suggestions?” Tanong niya.
Wala namang nagtaas ng kamay kaya ako na lang ang gumawa. Tumingin siya sa akin. Blanko ang kanyang mga mata gaya ng madalas niyang ibigay sa lahat.
“Yes, Celine?” Matabang niyang utas.
Tumayo ako at tumingin sa mga members na lahat ay nasa akin na ang atensyon. “Napag-usapan namin ni Vans ang magiging system ng pagtu-tutor natin.” Panimula ko. Mukhang nakalimutan niya ang parteng ito na sabihin kaya ako na lang.
Saglit akong bumaling sa kanya at naroon lang siya’t nakikinig habang nakasandal sa mesa at nakahalukipkip.
“We’ve decided na magkaka-level ang magtuturuan. For example…” Saglit akong tumigil. Tumingin ako sa lahat at huminto ang mga mata ko kay Bryan na matamang nakikinig. “Si Bryan ay magtuturo ng kapwa niya grade 12. Iyon ay para alam na ni Bryan ang mga topics o lessons kung saan nahihirapan ang tuturuan niya. Kapag ganoon, mas magkakaintindihan sila. Hindi pwedeng grade 12 ang tuturuan tapos ay grade 10 ang magtuturo. That would be hard dahil maaaring may mga lessons na hindi pa alam ng tutor. Kaya i-a-assign namin kayo kapag may listahan na tayo ng mga gustong magpaturo sa atin.” Pagkasabi ko niyon at ngumiti ako at umupo na ulit. “That’s all.” Utas ko at ngumiti.
Tumango si Vans sa akin ngunit walang appreciation sa mga mata. Kibit balikat ko na lang siyang pinanood at pinakinggan. “Celine’s right. And another thing, kapag maraming sumali, gagawa tayo ng, let’s say, dalawang oras na klase at mag-a-assign din ng instructor. Hindi naman pwedeng one is to one dahil siguradong maraming estudyanteng papasok sa program natin na 'to. Kakausapin ko si Ms. Espi tungkol dito. Itatanong ko kung pwede tayong humingi ng isang araw sa isang linggo na may tutoring class tayo. I think we still need the approval of the principal though. Pero habang wala pa, we’ll stick on that one to one tutoring. But that’ll be just for the mean time.”
BINABASA MO ANG
Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)
Novela JuvenilCeline Marie Ricaverte doesn't have to choose. Sa una pa lang naman kasi ay kilala na niya kung sino ang kanyang pipiliin pagdating sa dalawang lalaking hinangaan niya. It was just a simple crush. Pinagkukumpara niya ang dalawa minsan pero kahit na...