Chapter 43

735 20 2
                                    


CHAPTER 43 — Checking On You


Bumalik ang dalawang magkapatid sa mesa. Tapos nang kumain ang lahat at napagdesisyunang dumiretso ang lahat sa garden para ituloy ang kwentuhan. I excused myself because I need to change my clothes. Kaninang umaga ko pa suot ang mga ito.

Sumunod sa akin si Eden. Ang alam ko ay magkasama sila sa kwarto ng kanyang ina. Si Warner at Deneb naman ay magsasama sa isa pang guestroom dito sa aming bahay. Nang nasa kwarto na kami ay pinaupo ko si Eden sa aking kama.

"Your room is cute!" Aniya sa akin habang ginagala ang mga mata sa loob ng aking kwarto. Sinuri niya ang bawat sulok at napapatango at ngiti siya sa nakikita. "It's simple and neat. Unlike my room in Madrid, medyo malaki kaya lang magulo."

Napangiti ako. "Magulo rin naman ako sa gamit. Malinis lang talaga si manang dito sa bahay." Sagot ko sa kanya. Tumungo ako sa bathroom ng aking kwarto at nagbihis. Paglabas ko ay nakaupo pa rin si Eden kung saan ko siya iniwan kanina.

Pumunta ako sa kanya at tumabi. Sa tingin ko ay hindi muna ako bababa. Siguradong magkausap na sina papa, tita at lola tungkol sa negosyong pinapaunlad ni papa dahil doon kami tumigil nang matapos kumain. Marahil magkakasama rin sina Conrad, Warner, at Deneb.

"So..." Panimula ni Eden nang hindi ako manguna sa pagsasalita. "How'd you meet your boyfriend?"

Nabigla ako sa tanong niya ngunit hindi ko iyon pinahalata. Akala ko ay nanloloko at nang-aasar lamang siya nang sabihing pag-uusapan namin ang tungkol dito. Pakay pala niya talaga ang pagkwentuhan ito at naiilang na ako.

Nahihiya muna akong ngumiti at nagdalawang isip pa kung sasagot. "Classmate ko siya sa school." Sa huli ay nagdesisyon na rin akong ikwento.

I told her everything. I can't explain what I am feeling right now for her. Masyado akong kampante at komportable kay Eden. May aura siya na magugustuhan agad at hindi maiilang ang sino mang makipag-usap sa kanya lalo na dahil sa mga ngiti at tono ng kanyang boses.

"Then you said yes? That fast?" Tanong niya sa akin, nanliliit pa ang mga mata.

Tumango ako. "I saw his sincerity. At gusto ko na siya noon pa. It's hard not to fall for Vans." Nanghina ang aking tinig dahil naramdaman ko ang tibok sa aking dibdib. When I started talking to her about Vans, my heart also started to beat on its own. Hindi ko na mapigilan ang mabibilis na pintig.

"I see." Tango niya nang sabihin ko iyon. "Will I get to meet him on your birthday?" Tanong niya.

Kinagat ko ang aking labi. "Oo." Sagot ko.

Marami pa kaming napagkwentuhan ni Eden ngunit dahil may pasok pa bukas ay pinili kong matulog nang maaga. Sila rin namang mag-iina ay naakit na ring matulog nang makita ang kanilang magiging kwarto. Pagod sila sa mahabang biyahe at hindi pa sila nakakapagpahinga mula nang umuwi kami. Kaya naman maaga ring natapos ang gabing iyon.

Kinabukasan ay kaming dalawa na lang ni Conrad sa bahay. Paalis na ang aming mga kasama nang magising kaming magkapatid. Bibisita sila sa aming lolo, ang asawa ni lola, sa puntod nito na nilipat dito sa Maynila mula sa aming probinsya. Nakapag-text ako kay Vans sa kanyang pagsundo sa akin. Si Conrad naman ay piniling mag-commute na lang imbes na sumabay.

"Ayokong maging third wheel." Natawa siya sa sarili.

Tumikhim na lang si Vans at sumaludo kay Conrad. "Whatever you want, Conrad." Sabi ni Vans at sinara na ang mga bintana ng kotse.

Nang makarating sa school ay nag-check lamang ng mga test papers sa lahat ng subject. Halos walang ginawa kaya hindi nakakapagod sa utak at sa katawan. Nang pauwi ay si Vans pa rin ang kasama ko.

Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon