Chapter 11

1.5K 40 3
                                    

CHAPTER 11 — Ako at Ikaw

“Salamat.” Salita ko nang makalabas ako ng sasakyan ni Vans. Siya na ang nagbukas ng pinto at ang driver niya ay naiwan sa loob ng kotse at hinihintay siya.

Hindi siya nagbigay nang ano mang ekspresyon maliban sa isang tango.

“Gusto mong pumasok muna?” Tanong ko sa kanya kahit na sinabi na niya kanina na hindi siya makakasama sa akin sa loob kanina pa lang.

Umiling siya at pinahinga ang likod sa pinto ng kotse. “Hindi na. May mga kailangan pa akong gawin sa amin. I can’t stay long.” Aniya habang pinapanatili ang mga mata sa akin.

Nailang ako pero abot abot ang pagpipigil ko upang hindi niya iyon mahalata. Ngumiti na lamang ako at tiningnan ang kalangitan na naghahalong dilaw at kahel na ang kulay.

“I should go. Pumasok ka na.” Aniya na nagpatingin sa akin sa kanya.

Nagpigil ako ng hininga dahil sa mga mata niyang malalalim. Lumalim iyon dahil sa kaunting eyebags ngunit maganda pa rin. Itim na itim iyon at kahit mahirap basahin ay kagusto gusto pa rin. May namulaklak na kung ano sa aking puso.

“Sige. Thank you ulit, Vans. See you tomorrow.” Sabi ko at umambang tatalikod na nang magsalita pa siya.

“You did a great job today, Celine.” Hinga niya. Humalukipkip siya. Ang sabi niya ay aalis na siya pero heto pa rin siya at nakatayo na parang tamad na tamad gumalaw.

I’m sure as hell that I cannot hold back anymore. Isang linya pa niya na magpapabuhay ng mga namumulaklak na pakiramdam sa puso ko ay siguradong hulog na ako.

Tumango ako sa kanya. Nanginginig ang kalamnan ko at mabuti na lang at hanggang doon lang iyon. “Ikaw rin. Sana marami tayong maging members para matuwa si Ma’am.” Sambit ko.

“I am sure of that, Celine. Hindi naman sila magsa-sign up kung hindi sila interesado.” Sabi niya.

Ikaw ba, Vans? Bakit ganyan ka makipag-usap sa akin? Interesado ka ba?

Marahas kong pinilig ang aking ulo. Kumunot ang noo ni Vans sa aking ginawa at diretsong tumayo.

“May problema ba?” Tanong niya. Nalaglag ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid at humakbang ng isa patungo sa akin.

“H-huh?” Hinga ko. Napakurap ako ng sunod sunod. “Uh. Masakit kasi ulo ko, Vans.” Pinaliit ko ang aking mga mata, umaasang magmukhang may sakit ako kapag ginawa ko iyon. “Papasok na ako ah?”

“Ihahatid na kita sa loob niyo—”

“Hindi na!” Utas ko. Tinikom ko ang aking bibig sa biglaang pagtaas ng boses ko. “'Di ba busy ka? Umuwi ka na.” Ngumiti ako nang pagak. I know how fake my smile is right now. Sobrang kabado na ako.

Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon