CHAPTER 8 — Best
Kanina pa ako salita ng salita pero ang tahimik na si Vans ay ayan at nakatingin lang sa akin at mukhang nakikinig naman.
"So, doon na lang tayo sa room natin? Para madali nang makiusap kasi si Ms. Espi naman ang adiviser." Sabi ko. Pinag-uusapan namin ang mga kailangan naming gawin bukas. Kagaya ng kung saan namin isasagawa ang qualification exam. Hapon pa ang recruitment at pwedeng makausap na namin si Ms. Espi ng umaga.
Tumaas ang gilid ng labi ni Vans. Ang tanging ngiti na kaya niyang ibigay. "Sige. Ako nang bahala sa photocopy nito. Anong quota grade natin? At ilang members ang tatanggapin?" tanong niya.
Napanguso ako dahil sa pag-iisip. Tiningnan ko ang mga estudyanteng kasama namin dito sa library. Kumpara kahapon ay mas maaga ang uwi namin ngayon kaya pwede pa kaming tumambay ng isang oras dito sa school. Mamayang 6pm pa naman ang curfew para sa mga estudyanteng wala nang klase at activities na gagawin.
"Siguro 75% out of 100%. Para matatalino at 'yong magagaling talaga ang makuha. Ang alam ko kasi ay ganyan naman talaga noong last Math Circle members." Sagot ko. "At kung marami, then doon tayo sa may pinakamatataas ng score." Ngumiti ako dahil nakakapag-isip ako ng tama kahit na nagugulo ang sistema ko ng mga tingin ni Vans. Gaya ng madalas kong gawin, isinasantabi ko ang paghuhurumentado ko dahil seryosong usapan ito.
Panay nga lang ang kagat ko sa aking labi. Ayokong mapangiti na lang ng wala sa sarili.
"Alright." Humilig siya sa akin at kahit gusto ko ay wala akong naatrasan.
Napakurap na lang ako sa labi niyang may munting ngiti lang.
"Everything's settled then. Sana wala nang ibang problema bukas." Sabi niya. Umatras siya at saka tumayo. Nilagay niya ang dalawang kamay sa bulsa bago ako tiningnan.
Tumaas ang aking kilay at naghintay ng susunod niyang sasabihin.
Tinaasan niya rin ako ng kilay. "Halika na." Aniya sa tonong dapat ko na rin palang tumayo kagaya niya.
Tumayo ako at hindi agad kumilos. Tumunganga lang ako roon hanggang sa mawala na ang munting ngiti niya. Nanginig bigla ang kalamnan ko nang padulasin niya ang kanyang kamay sa kamay ko. Hinawakan niya ako at saka nagalakad.
Napalingon ako sa mga kasama namin sa library na nakita ang ginawa ni Vans. Hindi ko alam kung may pakealam ba sila sa nakikita pero sa mga mata nilang nagtataka ay nakumpirma kong meron.
"Uy—" pinutol niya ako.
"C'mon, Celine. Kailangan kitang sanayin sa presensya ko." Aniya at ngumanga na lang ako.
Ano raw? Sanayin sa presensya niya? Alam na alam talaga niyang may nakatago akong ilang at kaba sa loob ko na dahil sa kanya. Paano niya iyon nakikita? Imposible namang dahil pa rin ito sa nakita niya sa notebook o dahil sa sinabi kong crush ko siya. Ano bang itsura ko kapag nasa harap niya at nahahalata niya?
Kinikiliti ang palad ko sa hawak niya. Hindi iyon mariin at kung tutuusin ay parang dampi lang ang hawak niya sa akin. Pero ang pakiramdam ay parang sumasabog ang kaninang nananahimik na ugat sa kamay ko.
"K-kailangan holding hands?" Nasampal ko ang aking sarili sa isip. Walangya! Ano bang tinanong ko?!
Huminto siya sa paglalakad at nilingon ako. Napahinto na rin ako at tumunganga na naman sa mukha niya.
"Oo, kailangan." Simpleng sagot niya at tumalikod na uli para maglakad. Mabilis ang lakad niya at nahihiya akong sumabay sa kanya kaya binabagalan ko lang ang akin para nasa likod lang ako.
BINABASA MO ANG
Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)
Teen FictionCeline Marie Ricaverte doesn't have to choose. Sa una pa lang naman kasi ay kilala na niya kung sino ang kanyang pipiliin pagdating sa dalawang lalaking hinangaan niya. It was just a simple crush. Pinagkukumpara niya ang dalawa minsan pero kahit na...