Beginning

4K 63 2
                                    

Pinost ko ang story na ito August 2012. 

Again, this story will be having a new plot. Iba na ang mga pangyayari. May nag-iba sa mga characters. Title lang ang hindi nagbago. Sana 'wag malito ang mga naunang nakabasa nito. Let's start all over again XD. 

Sa mga may tanong, don't hesitate to ask me. 

I-welcome ulit natin si Celine, Vans, at Lorenzo. 

---

BEGINNING

“Celine Marie Ricaverte.”

Tinaas ko ang kanang kamay ko sa pagtawag ng aming guro. Hawak hawak niya ang clipboard at nakalista ata doon ang mga pangalan ng estudyante sa section namin.

“That’s your seat.” Aniya at tinuro ang unahan na upuan sa may gitna ng room.

Marami na akong kaklaseng nakaupo at iilan na lang ang bakante at mga estudyanteng uupo rito. Kawawa naman ang labi ko dahil bugbog na bugbog na ito sa kakakagat ko. Hindi ko kasi mapigilan. Paano ba naman kasi, ang dalawa kong crush ay classmate ko this year! Kasama ko sila sa iisang classroom sa loob ng isang taon! At gosh! Isa sila sa mga nakatayo ngayon sa harapan ng blackboard at naghihintay ng hudyat kung saan sila uupo. At gosh ulit! Ang dalawang upuan sa magkabilang gilid ko ay bakante pa at may 80% chance na makatabi ko silang dalawa!

Sorry, lips. Mamaya gagamutin na lang kita kapag nagkasugat ka. I just can’t help biting you, you know? Kinakabahan ako at kinikilig at the same time!

“Lorenzo Javier Fajardo.” Banggit ng teacher.

Kitang kita ko mula sa pwesto ko kung paanong ngumisi si Lorenzo at tumayo ng maayos habang hawak ang bag sa kanyang gilid.

Bumibilis ang ngipin kong nginunguya ang labi ko. Bumibilis din ang tibok ng puso ko. 50% chance na sa akin itatabi si Lorenzo and syeteng malagkit! Nakatingin ang teacher ko sa upuan sa kaliwa ko!

“Sit beside…”

Wow! Parang may tambol ah. Tipong naghihintay ng first place sa isang competition!

“Ms…” nag-isip ang aming teacher.

What the! Kanino? Sinong katabi niya?

“Ricaverte.”

Nakahinga ako ng maluwag. Haay. Naglakad siya patungo sa kanyang upuan at unti unting nanlalaki ang mga mata ko dahil dito siya sa akin lumalapit.

Ricaverte. Oh my gosh! Ako nga pala si Ricaverte! Stupid! Ang engot engot ko talaga!

“Hi.” Ngisi niya nang makalapit.

Agad akong namula. Sure nang malakamatis ang pisngi ko at nilalabasan na ng sili sa init. Nag-hi siya sa akin with matching ngisi pa! First time ever!

Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon