Chapter 50

950 26 0
                                    

Thank you so much for reading the story. This is the final chapter but not yet the end. Please wait for the ending...

---


CHAPTER 50 — Isa Pa


Minadali kong matapos ang sumunod na araw. Vans was absent again. Wala nang excuse ngunit nang magtanong ako kay Lorenzo ay ang sabi niya ay nagpahinga lang daw ito sa rami ng inasikaso. Habang nagtatanong ako sa kanya ay siguradong sigurado siya sa mga sagot kaya naman naniwala ako. Vans is not avoiding me. If he is, then he wouldn't text me right?

Vans:

I'm at home. Pauwi ka na ba?

Ito ang unang text niya sa araw na ito. Hapon na at ilang minuto na lang ay matatapos na ang klase.

Mabilis akong nag-reply habang nakatago ang cellphone sa aming guro.

Ako:

Hindi pa. Maya-maya pa dahil hindi pa tapos ang klase. How are you? I missed you.

Kinagat ko ang aking labi. It's the first time I texted him like this after our misunderstanding. Sana ay hindi nakakailang sa kanya ito. Hindi naman siya galit sa akin. Siguro ay nagtatampo lang iyon. Kung galit siya ay sana hindi na talaga siya nagparamdam. But right now, I will make sure na mawawala na ang galit niya kung mayroon man.

Vans:

I missed you too. I'm sorry dahil wala ako. I've got so many things to do.

Kumalampag ang puso ko. Binalikan ko ng tingin ang aming teacher. Sinigurado kong wala sa aming direksyon ang kanyang tingin bago nagtipa ulit ng mensahe.

Ako:

Para ba 'yan sa pag-alis mo? Sure na ba na aalis ka after this quarter?

Kung nagsasalita man ako habang sinasabi ito, siguradong mababasag ang boses ko. Iyon kasi ang pakiramdam ng puso ko. If he will go after the third quarter ends, then it will just be one month from now. Malapit na malapit na at kung hahayaan ko siyang umalis mag-isa, maiiwan ako ng maaga.

Hindi siya nag-reply. Panay ang tapik ko ng daliri sa aking armchair habang naghihintay. Sinulyapan ko pa si Lorenzo na nakikinig sa aming guro. Kung sana ay pwede kong itanong lahat sa kanya. Kung alam lang sana niya ang mga sagot. Pero mukhang ayaw na akong sagutin ni Vans dahil ilang minuto na at hanggang sa natapos na ang klase ay wala pa ring sagot sa mensahe ko sa kanya.

"Nandiyan na ang sundo mo?" tanong sa akin ni Lorenzo. Pareho kaming abala sa paglalagay ng mga kailangang iuwing libro sa bag at pag-iwan ng iba sa mesa para ilagay sa locker.

Umiling ako. "Hindi ako nagpasundo. May pupuntahan pa kasi ako." Sabi ko sa kanya.

Nilingon niya ako at pabalik balik ang kanyang tingin sa akin at sa inaayos. "Ano 'yon? Alam ba ni Vans? He told me to take care of you while he's away." Aniya.

Ngumiti ako. "Hindi niya alam. Pero okay lang. Kaya ko namang mag-isa."

Tumango siya at akala ko ay huminto na siya sa mga tanong. Nang matapos kong ilagay sa locker ang lahat ng aking gamit ay hinintay niya ako sa labas para samahan.

"Sumama kaya ako? Nag-text si Vans. Ihatid daw kita sa kotse niyo." Sabi niya at ipinakita pa sa akin ang mensahe ng pinsan. "Samahan na lang kita hanggang sa makasakay ka. Magta-taxi ka ba?"

"Hindi ko pa alam." Ngumuso ako at bumaba ang tingin habang iniisip ang sarili kong phone. Nag-text siya kay Lorenzo pero hindi siya nag-reply sa akin...

Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon