CHAPTER 6 — Solusyon
Tumunog ang bell. Napatalon ako sa gulat dahil hudyat na iyon ng uwian. Hudyat din ng pag-uusap namin ni Vans. Kung bakit kinakabahan na naman ako ay malinaw na malinaw ang dahilan! Bumabalik ang tinapon ko nang feelings kay Vans! He’s my crush again! Lord, bakit niyo ako pinabayaan?
Joke! Wala namang ibang dapat sisihin dito kundi ako at ang ngiting iyon ni Vans na nagpabilis ng tibok ng aking puso kanina. Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang guhit ng ngiti sa kanyang labi habang tinitingnan ako. Hindi ako makapaniwalang sa akin siya nakatingin nang ngumiti siya! Ito ang unang pagkakataon!
Huminga ako ng malalim habang binabalik sa bag ang mga nakalabas kong libro at notebook ng huli naming subject.
“Celine!” Tawag sa akin ni Lorenzo. Nilingon ko siya at nakatayo na siya. “Next week natin sisimulan ang project?” Tanong niya.
“Gusto mo na ba?” tanong ko rin sa kanya.
Natutuwa pa rin ako sa ngiti ni Lorenzo kada makikita ito. Sanay na sanay na akong nakikita ang mga ngiti ni Lorenzo at natural na sa aking mamangha roon. Nakakasanayan ko na siya sa paglipas ng mga araw at oras naming magkasama.
Ngumisi siya. “Oo naman. Kaya nga magpapaalam muna ako kay coach para next week wala akong practice.” Tumingin siya sa pinsan.
Sabay kaming tumayo ni Vans. Hindi nakalagpas sa akin ang kaunting pagdikit ng mga balat namin. Tumingin ako sa kanya at hindi niya iyon napansin.
“Tingin mo papayag si Coach Ry, Vans?” Tanong ni Lorenzo. Si Coach Henry Lim ang P.E teacher ng grade 12 at siya ring coach ng basketball team ng school.
“Oo naman. Team captain ka naman e.” Tamad na sagot ni Vans. Bumagsak ang tingin niya sa akin at nailang agad ako roon.
Ang sinasabi niyang solusyon upang mawala ang kaba ko kapag kasama siya ay hindi uubra. Ngayon pa lang ay sinasabi ko na ito. Dahil tingin pa lang niya ay nanlulumo na ako sa kaba. Kakaibang kaba na hindi ko mapangalanan.
Ngumisi sa akin si Lorenzo. “So, it’s a date then. Next week. Vans, mauna na ako sa gym. See yah!” Sumaludo siya sa amin. Umawang ang aking bibig at pinanood na lang ang pagtalikod niya.
“Really, Celine?” Ani Vans sa aking gilid. “Pati sa pinsan ko?”
Tinikom ko ang bibig ko. “A-ano bang sinasabi mo?” Inirapan ko siya sa abot ng aking makakaya. Kinuha ko ang bag ko at sinukbit iyon sa aking balikat.
Sinundan niya ako nang lumabas ako ng aming room.
“Saan na tayo? Library ulit?” tanong ko.
“No. Sa labas tayo ng school.” Aniya. Tiningnan ko siya ng nagtataka.
BINABASA MO ANG
Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)
Teen FictionCeline Marie Ricaverte doesn't have to choose. Sa una pa lang naman kasi ay kilala na niya kung sino ang kanyang pipiliin pagdating sa dalawang lalaking hinangaan niya. It was just a simple crush. Pinagkukumpara niya ang dalawa minsan pero kahit na...