Chapter 15

1.6K 42 2
                                    

CHAPTER 15 — Really, Enzo?

Hanggang sa matapos kami sa aming pagkain ay hiyang hiya ako sa kinilos ko sa harap ni Lorenzo. I spaced out in front of him and thought of his cousin while I was with him. He didn’t ask me, though. Pero alam kong nahalata niya ang pagliliwaliw ng utak ko sa kalawakan.

Nakakaloko lang dahil ayaw akong tantanan ni Vans. At pati ngayon ay iniisip ko pa rin kung nasaan kaya siya at anong ginagawa niya. But I still think of this as a normal feeling even though I feel crazy right now. Natural lang na mapasok si Vans sa isip ko dahil pinsan niya ang kasama ko. Isa pa ay naging crush ko siya. Napakagat labi ako sa huli kong naisip. Hindi ko alam kung tama pang samahan ng salitang ‘naging’ iyon gayung ganito ako ngayon.

“Okay na ba 'to?” tanong sa akin ni Lorenzo.

Napatingin ako sa kanya at muli akong bumalik sa reyalidad. Ngumiti ako para hindi niya mahalata na nawala na naman ako. Nakita ko sa basket na dala niya ang isang set ng paint brush, may maliliit at makakapal na klase rito at isang set ng paint colors. May mga lapis din siyang binili at mahabang ruler na kahoy. Umangat ang tingin ko sa naghihintay niyang hitsura saka ako tumango.

“Yup, okay na 'yan.” Tipid na sagot ko. Hindi naman ako nakatulong pero buti na lang at alam ni Lorenzo ang aming mga kailangan.

Tumango siya. Hangang ngayon ay hindi pa rin nababalik ang ngiti niyang dapat ay meron sa mga labi niya. Hindi ko na lang inisip. Hindi naman kailangang laging nakangiti si Lorenzo. Baka magmukha siyang baliw kapag ganoon. Hindi porket masiyahin siya sa loob ng eskwelahan ay dapat na ring ganoon siya rito sa labas. Ibang tao ang mga kasama namin dito at kami lang ang magkakilala. Isa pa, wala namang kangiti ngiti sa sitwasyon.

Binayaran niya ang mga materials na bibilhin. Nagsama pa siya roon ng lagayan ng paint kapag nagpipinta na kami. Mayroon pa ngang isang pares ng gloves at napangiti na lang ako sa isiping ayaw madumihan ni Lorenzo.

Dumiretso na agad kami ng parking matapos kumain at mamili. Nabusog ako at naisip kong mamayang gabi na lang siguro ang sunod na kain ko sa bahay namin. Sumasakit kasi ang tiyan ko kapag sumosobra ang kinaikan ko. At kanina ay hindi kami umalis ni Lorenzo ng restaurant hangga’t hindi namin nauubos ang lahat ng nakahain sa mesa kaya busog na busog ako.

Tumulala ako sa bintana ng sasakyan. Maaraw pa rin sa labas kahit na alas-dos na ng hapon. Hindi ko alam kung saan nakatira si Lorenzo kaya hindi ko rin alam kung ilang minuto o oras ang biyahe. Hinilig ko ang ulo ko sa bintana at pinikit ko ang mga mata ko.

Napadilat lang ako nang tumikhim ang katabi ko.

Tiningnan ko siya. Diretso ang tingin niya sa daan at ang dalawang kamay ang nakahawak sa manibela. Kitang kita ko ang kaputian ng braso niya na kagaya mismo ng kay Vans. They are really alike. Minsan ko nang nakitang ngumiti si Vans at masasabi kong magkamukha ang dalawa sa ganoong hitsura.

“You know what, Celine?” Aniya habang titig ako sa mukha niya. Tumaas ang kilay ko. “I am a very jealous person.” Matabang niyang sabi.

Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon