Chapter 35

837 23 1
                                    


CHAPTER 35 — Kasalukuyan


Tahimik ang naging biyahe. Lorenzo's driving. I'm at the back while Van is sitting in the passenger's seat next to Lorenzo. Hindi naman sila nag-uusap at paminsan minsan lang kung kausapin ako ni Lorenzo. I can always feel how Vans is looking at me through the rear view mirror. Hindi ko na lang pinapansin dahil baka may mahalata pa sa amin.

"Malapit na tayo kayla Vans." Ani Lorenzo na ako ang kausap. Napansin ko ang paglingon ni Vans sa kanya at pagtaas ng labi nito.

"Thanks, bro. Hassle lang talaga mag-commute." Sabi ni Vans at saka may tinuro. "You can drop me there." Aniya habang nakaturo sa guardhouse ng sikat na village.

"Sure? Hindi na sa loob? Maglalakad ka pa ng malayo." Sambit ni Lorenzo habang iniikot ang manibela patungo sa guardhouse kung saan sumisilip na ang isang security.

"Yup." Matipid ang sagot ni Vans at sumulyap na naman siya sa akin gamit ang salamin. "Bye, Celine." Sa blanko niyang mukha ay alam kong may nagtatagong damdamin doon. Iba kasi ang tingin niya. Iba sa walang pakealam na Vans.

Tumango ako ng isang beses. "Bye." Napatikhim ako nang mamaos ako. Kinagat ko ang aking labi nang makita ang munting ngiti ni Vans. Mabilis lang iyon na parang guni-guni ko lang na ngumiti siya.

Lumabas siya ng kotse at hindi na kami nilingon sa kanyang pagpasok sa loob. Nalaman kong kilala na siya ng mga guard dahil sumaludo ang mga ito sa kanya. He just nodded in return. The usual Vans I know.

Ilang minuto lang ay nagmamaneho na ulit ni Lorenzo patungo naman sa kanila. We were still silent. I can't think of any topic to talk about so I just kept my mouth shut. Nanibago rin naman ako sa pinapakitang ugali ni Lorenzo ngayon. He used to be so talkative and always smiling. But not this time. His silence makes me think that he's becoming more like Vans.

"We're here." Aniya nang lumiko sa subdivision nila. Malapit lang pala ang tinitirhan nila ni Vans. It's just ten minutes away. Pumasok ang kotse ni Lorenzo at tinahak ang mga street hanggang sa nakarating kami sa malaki at mataas na itim na gate.

Nilagay niya ang kanyang kotse sa lugar kung saan ito ipaparada. Hindi ko pa rin mapigilang mamangha sa rami ng mga sasakyan at sa kalakihan ng kanilang lupain. Siguro ay sampung beses ito ng lupang tinitirikan ng aming bahay.

Hindi na ang dating lalaking sumalubong sa amin ang una kong nakita. Ang yaya ni Lorenzo na nakilala ko na noon ang narito at kumuha ng kanyang susi. May ilang inutos si Lorenzo at iginiya na niya ako patungo sa pintuang magdadala sa amin sa rooftop kung saan kami gagawa.

"Ito ba talaga ang daan ng rooftop?" Naitanong ko na lang bigla. Napaisip lang ako na parang masyadong tago kung ito ang daan paakyat. There must be another way using the grand staircase of the house.

"Nope. Doon sa hagdanan pasecond floor ay may daan din. Sa labas ay meron din. Dito ko lang talaga gustong dumaan dahil mas mabilis." Sagot niya.

Nakarating kami sa itaas at doon ay nakalapag na ang patapos naming proyekto.

"Shall we start?" Ani Lorenzo at naupo na sa sahig ng rooftop.

Ngumiti ako at umupo na rin sa kanyang harapan. There are still some things to finish pero madali na lang iyon. Painting na lang at kaunting design ang kailangan. Mabuti na lang ay nasubukan ko na ang creative art kaya hindi na ako nahihirapan. Noong bata kasi ako ay pinasok kami ni Papa sa mga summer workshops para sa mga mahilig sa Arts at sa iba't ibang laranagang sakop nito. Kaya nga biglang nagustuhan ni Conrad ang photography at ako naman ay ang theater arts.

Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon