CHAPTER 18 — Realized
Nakarating kami ng mansyon nila Lorenzo at agad kaming dumiretso sa rooftop. Bago pumasok sa pintuang papunta roon ay nadatnan namin ang yaya niyang palabas dito.
“'Ya, bakit? Sinong nasa labas?” Tanong niya at tiningnan ang hawak na tray ng yaya niya.
Sinilip ko ang nakasarang pintuan. Parents kaya niya ang naroon? Bigla tuloy akong kinabahan dahil sa hiyang makilala sila.
“Nasa loob ang pinsan mo. Kanina pa 'yan naghihintay riyan.” Anang yaya ni Lorenzo at napaisip agad ako. Pinsan…
“Si Vans? Why is he here?” Nilipat ni Lorenzo ang mga mata sa akin na parang ako ang nakakaalam ng sagot. Siyempre ay hindi ako umimik dahil wala akong maisagot sa tanong niya. Nagkibit balikat siya at iginiya ako patungong pinto upang mabuksan ito.
Pumasok kami at ang likod ni Vans na nakadungaw sa labas ang unang nakita ng aking mga mata. Nakapamulsa siyang nakatingin sa kung saan. Mga building at ang asul na kalangitan ang makikita mula sa kanyang pwesto pero imbes na mamangha sa ganda niyon ay ang likod ni Vans ang pinagmasdan at hinangaan ko. Kulay itim na t-shirt, maong shorts na kagaya ng kay Lorenzo at itim rin na sneakers ang suot niya. Naramdaman na ata niya ang pagdating namin dahil humarap siya. Agad akong umiwas ng tingin.
Tinuon ko ang mata sa materials namin na naghihintay na sa amin para simulan.
“Ang tagal niyo naman.” Ani Vans. Nalipat ang mga mata ko sa kanya at sinundan ko ang paglapit niya.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nakita ko si Vans na hindi naka uniporme pero ngayon ko lang napansin ang matipuno niyang katawan sa likod ng pagiging teenager lamang niya. He’s eighteen but he looks more like a mature man than his age. Nililipad ang kanyang buhok at ako naman ay napahawi sa akin kahit na naka-bun iyon at hindi magulo. Iba na itong epekto niya sa akin.
Ngumiti ako upang maitago ang samu’t saring nararamdaman ko sa simpleng paglapit lang niya. “Hi, Vans.” Bati ko. Naalala ko bigla ang pangyayari kahapon nang pauwi kami. Nagtanong siya kung magkikita ba kami ni Lorenzo ngayon. Kaya ba siya nagtanong ay dahil pupunta siya?
“What brought you here, couz?” Tanong ni Lorenzo at nilapitan ang pinsan. Nakipag high five siya rito habang nakangisi.
“Boring sa bahay.” Simpleng sagot niya. Iyan din ang sagot niya noong nagpunta siya rito kayla Lorenzo noong nakaraang linggo. Wala ba siyang kasama sa bahay nila? Kaya marahil close na close ang dalawa ay dahil parati silang magkasama rito.
“Kailan ba uwi nila tita?” Tinanong iyon ni Lorenzo habang naglalakad na patungo sa mga materyales ng aming project. Naiwan akong nakatunganga kay Vans na nakatingin din sa akin.
“I dunno.” Nagkibit balikat siya. Tinaas niya ang isang sulok ng labi niya at napagtanto kong para sa akin ang munting ngiti dahil sa pagtango niya sa akin.
Abot abot ang pigil kong humugot ng malalim na hininga dahil sa mabilis na karipas ng puso ko. Ngumiti na lang din ako pero mas naging ngiwi iyon. Bumaling ako kay Lorenzo at tumulong sa kanya. Sabay kaming naupo sa semento at sinimulan ko ang paglalabas ng mga gamit mula sa plastik.
BINABASA MO ANG
Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)
Teen FictionCeline Marie Ricaverte doesn't have to choose. Sa una pa lang naman kasi ay kilala na niya kung sino ang kanyang pipiliin pagdating sa dalawang lalaking hinangaan niya. It was just a simple crush. Pinagkukumpara niya ang dalawa minsan pero kahit na...