CHAPTER 33 — Huwag
"Tanga mo, Celine..." Ngumisi at umiling ako sa aking sarili nang nasa tapat na ako ng salamin sa loob ng banyo. Pinagalitan ko ng husto ang aking sarili kahit sa isip lang.
Hinugasan ko ng maigi ang kamay ko. Bawat gitna ng daliri ko ay gigil na gigil kong inalisan ng mga hindi nakikitang dumi. Namumula na iyon nang tumigil ako.
Nagseselos ako. Alam kong iyon ang naramdaman ko kanina. It wasn't new. Naramdaman ko na iyon noon nung may mga crush si Conrad na iba. Pero dahil iyon sa nawawala ang atensyon niya sa akin kapag kasama o kausap ko siya. It's obvious na selos iyon dahil may umaagaw ng atensyon ng kapatid ko.
Minsan nagseselos din ako kapag si Conrad ang pinapaboran ni lola o ni papa. Nagseselos din ako dahil nakasama at nakita nina papa at lola si mama sa mahabang panahon bago kami ipanganak ng aking kambal. I'm jealous when I see my friends with complete family.
But this... this was something different. Very different from how I got jealous before.
Nilunok ko ang mga bara na parang bato sa aking lalamunan. Wala akong karapatang magselos. I reminded myself of that. Hindi ako dapat magselos. Pinilig ko ng ilang beses ang utak ko mapalis lang ang isipang ito.
Lumabas ako ng cr nang mapatalon ako sa gulat. May naaninag kasi ang gilid ng mga mata ko na nakatayo sa pader ng pintuan. Nilingon ko ang nanggulat sa akin at nanlumo ako nang malamang si Vans iyon.
"Are you okay?" Parang inulit lang niya ang tanong ni Lorenzo kanina.
Tumango ako. "Naihi lang ako." Diretso kong sinabi at naglakad na pabalik sa kumpol ng aming klase.
Nag indian seat ako sa tabi ng lalaki kong kaklase na hindi ko gaanong close. Sa kabila pa si Lorenzo pero dahil gusto kong makaupo na agad para iwasan si Vans ay ginawa ko.
Ngunit sa halip na makaiwas ay nagkamali pa yata ako. He sat next to me.
"You were holding your chest. Akala ko may problema." Aniya sa akin.
Nagtaas ako ng kilay. Is he that observant? Nakita niya iyon kahit na nakikinig siya sa komento ng guro sa tabi ni Shayne kanina? Kahit na magkausap sila nito?
Tumango ako sa kanya. "Nag cramps yata, parang ganun. Alam mo 'yun? Yung sumasakit ang dibdib after kumain." I tried to speak normal. That was my only excuse. Buti na lang at talagang kakatapos ko lang kumain ng lunch kanina.
Hindi ko siya tinitingnan pero ramdam ko ang mga mata niya sa akin. Hindi na ulit siya nagsalita. Pagkatapos ng klase ay maayos kaming pumila para bumalik sa aming room. Nagmamadali ako 'wag lang siyang makatapat.
Nahirapan akong kausapin si Vans pagkatapos ng araw na iyon. Good thing, hindi rin naman niya ako kinakausap. Bahala siya at ang biglaang pagbabago na naman niya. I couldn't understand him anymore. Sa aming meeting para sa org nang Biyernes na ay hinayaan ko lang siyang dumaldal sa harap para sa susunod na activity ng Math Circle. Ako ang sumunod na nagbigay ng opinyon hanggang sa magsalita na rin ang ibang mga officers at members.
"Paano kaya tayo makakaipon ng pondo?" Tanong ni Bryan na tumabi pala sa akin matapos magsalita sa harap.
Tumagilid ang aking ulo sa pag-iisip. "The funds from the tutorial? Hindi ba may hininging maliit na bayad para roon?" Tanong ko sa kanya. The money from the tutorial is handled by Ms. Esperanza. Ang sabi niya noon nang mag-meeting minsan ay pondo iyon ng aming organization.
Tinanguan ako ni Bryan. "You think that's enough?"
Kinibit ko lang ang aking balikat. I don't think that is enough. Umiling ako sa kanya. "Pero bibigyan naman tayo ng pera ng school. Siguro ay mapagkakasya natin iyon."
BINABASA MO ANG
Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)
Teen FictionCeline Marie Ricaverte doesn't have to choose. Sa una pa lang naman kasi ay kilala na niya kung sino ang kanyang pipiliin pagdating sa dalawang lalaking hinangaan niya. It was just a simple crush. Pinagkukumpara niya ang dalawa minsan pero kahit na...