CHAPTER 25 — Mas Takot
Hindi ko malaman ang dahilan pero gumaan lang ang loob ko kay Lorenzo imbes na makaramdam ako ng kakaiba sa presensya niya. Walang pinagbago ang pakikitungo niya sa akin. He’s still that same Lorenzo who always has a smile on his face. Kinakausap niya ako nang parang walang nangyari at kinagaan iyon ng loob ko. I thought he’s gonna make that move that he is talking about. He told me he’s gonna prove himself pero wala pa naman akong nakikitang aksyon mula sa kanya. Siguro ay nagbago na ang isip niya but it didn’t bother me. I was actually okay with it. Gusto ko siyang maging kaibigan.
“So we’ll finish the project next week? Marami na tayong ginagawa ngayon.” Aniya sa akin. Dalawang araw na ang nakakalipas mula nang aminin niyang gusto niya ako. It’s still fresh on my mind but seeing him doing his best to make me comfortable with him made me want to set it aside.
Pinantay ko ang aking labi. “I think we should,” sagot ko. “May activity raw sa P.E. natin at baka mapasama pa 'yon sa dami ng ginagawa.”
Tumango siya ngunit umiwas ng tingin. “Oh yeah. About that,” may nilingon siya sa aming likod.
Naghihintay kami ng susunod na guro na male-late yata ng dating dahil sampung minuto na ay wala pa ito. Kumpleto ang buong klase at hindi ko malaman kung sinong tiningnan niya.
“Kinausap ko si Samuel,” aniyang bumabagal at humihina ang boses.
I waited for his next words. Nakatingin lamang siya ng diretso sa board. Gusto ko ring ituon ang tingin doon para malaman kung anong laman ng utak niya ngayon pero mas pinili kong pagmasdan ang kanyang mukha. I felt something moved on my other side pero hindi ko na lang pinansin.
“Ako na ang partner mo sa activity natin sa P.E. Tutal naman tayo tayo lang din ang mamimili and you got partnered with Samuel dahil parehas kayong wala noon,” wika niya at medyo natigil ako sa paghinga.
“Bakit ka nakipagpalit?” Ako na mismo ang lumingon kay Samuel pero busy ito sa mga katabi at pakikipagdaldalan.
“I just thought that it could lessen our job. Time management is important. Magkasama na tayo para sa isa nating project and then this. We could do both without wasting our time. Hindi ka na maha-hussle kung anong uunahin mo.”
I get his point. Tama siya roon. Mas mami-minimize nga namin ang mahalagang oras kung magkasama na kami sa dalawang project na ito.
Ngumiti ako bilang pagsang-ayon. “Good idea,” sambit ko at doon na niya ako tiningnan. “Pero okay lang ba sa partner ni Samuel? Baka ikaw ang gusto nung babae.” Bago ko pa natigil ang sarili ko ay nasabi ko na iyon.
He’s eyes went wide and he chuckled. Natawa rin ako kagaya niya. “No, she doesn’t.” Tumagilid ang ulo niya sa akin at pakiramdam ko ay tinitignan akong mabuti ng mga mata niya. “Mas interesado siya kay Samuel,” aniyang nginunguso si Samuel at ang babaeng nasa kanan nito.
Ngayon ay napansin ko na kung sino ang babae. It was Caitlyn. Nagtaas ako ng kilay dahil mukhang may namamagitan na sa dalawa.
BINABASA MO ANG
Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)
Teen FictionCeline Marie Ricaverte doesn't have to choose. Sa una pa lang naman kasi ay kilala na niya kung sino ang kanyang pipiliin pagdating sa dalawang lalaking hinangaan niya. It was just a simple crush. Pinagkukumpara niya ang dalawa minsan pero kahit na...