Chapter 14

1.5K 36 1
                                    

CHAPTER 14 — Pro

Kinaumagahan ay inagahan ko talaga ang gising. Dumilat ako mula sa pagkakatulog at hindi na ako nangahas na pumikit pang muli. Baka sumobra lang ang tulog ko at nakakahiya kay Lorenzo kung darating siya ritong hindi pa ako handa.

Tumayo ako ng kama at naligo. Maaga pa para sa alas-diyes na sundo sa akin ni Lorenzo ang paghahanda ko. Siguradong alas-otso pa lang ay nakabihis na ako.

Nang makababa ako ay nakita ko ang nanlulumong si Conrad na naglalakad patungo ng living room. Mukhang kakagising lang niya. Nakapagpalit na siya ng damit pambahay. Binagsak niya ang sarili sa mahabang sofa at inangat ang binti roon para mahiga. May hawak siyang baso.

“Con, si Lola?” tanong ko sa kanya. Namumula pa rin ang kanyang mukha siguro dahil sa hang-over.

Nakapikit siyang tumugon sa akin. “Tulog pa ata. I don’t know. Kakababa ko lang.” Sagot niya sa akin.

Nanliit ang mata ko sa kanya. He doesn’t remember his craziness last night. Hindi niya ba maalala ang mga pinagsasabi niya? Humalukipkip ako at nagsimulang manadtad ng tanong sa kanya.

“Bakit lasing kang umuwi kagabi?” Tanong ko.

Awtomatikong dumilat ang mga mata niya at hinanap ako. “Paano mo nalaman?” Tanong niya. Tumayo siya at umupo ng maayos sa sofa. Mapungay ang mga mata niya at halatang kulang iyon sa tulog.

Pinaikot ko ang sariling mata sa kanya. “Ako lang naman ang naghirap magdala sa’yo sa kwarto mo.” Sarkastiko kong sambit. “Pasalamat ka hindi ako nagsumbong kay Lola.” Sabi ko pa.

Kinagat niya ang kanyang labi. Hindi na niya ako tiningnan at tinuon na lang ang pansin sa baso niyang kape ang laman.

“We just had some fun. With the team.” Tamad niyang sagot sa tanong ko kanina. Naalala ko ang nabanggit na dinner ni Lorenzo kagabi.

“Inuman?” tanong ko. Hindi sinabi ni Lorenzo na nag-inuman sila pero baka nakalimutan lang niya o naisip na hindi na iyon kailangan sabihin sa akin. O baka hindi siya sumama sa mga ito. Maaari ring nagsisinungaling lang itong si Conrad at siya lang talaga mag-isa ang naglasing.

Tumango si Conrad sa akin. I can sense that he is lying. Kakambal niya ako at wala siyang matatago sa akin. But I just let it go. Problema ang dahilan ng paglalasing niya. At ang problemang iyon ay si Elaine. How I wish she’s here to see my twin brother going mad about her. Hindi ko alam ang magiging reaksyon niya kapag nalaman ito pero sigurado akong kaunting pag-aalala ang mararamdaman niya.

Hinayaan ko na siya at tinalikuran.

“Saan ka pupunta?” tanong niya nang paalis na sana ako patungong kusina. “Bakit nakabihis pang-alis ka?”

Hindi ko na siya nilingon nang sumagot ako. “Project. Susunduin ako ng partner ko.”

Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon