CHAPTER 47 — Is That Love?
Tiningnan ko ng pabalik balik ang aking laptop. Here I go again. Bakit ba sa tuwing may exciting na nangyayari sa buhay ko, o kaya naman kapag may problema ay siya ang hinahanap ko? I really, really need a friend right now. At hindi lang basta kaibigan. Matalik na kaibigan. Kaibigan na masasabi ko ang lahat lahat nang hindi sinasala ang mga salita.
Kinamot ko ang kamay ko dahil kanina ko pa gustong i-type ang pangalan niya. For the last time. Promise, last na talaga ako. Pagkatapos nito ay wala na. Kung wala pa rin siya ay ititigil ko na.
"Elaine Joy Mendoza." Sinabi ko ang pangalan habang tinitipa ang mga letra.
Napapikit pa ako nang i-enter ko ang pangalan niya. Ilang profiles ang lumabas pero iisa lang ang nakakuha ng atensyon ko. Mabilis akong nag-indian seat mula sa pagkakadapa.
"Shit!" Napatalon ako sa aking kama at hindi mapakali. Lumuhod ako at nilapit ng maigi ang mukha sa maliit na litratong katabi ng pangalan. "Elaine?" Hindi ko makapaniwalang bulong.
Pinindot ko na. Kamukhang kamukha niya ang babae sa litrato. At hindi lang babae ang naroon na mas ikinagulat ko.
Isang maliit na litrato sa gilid at malaking litrato sa ibabaw ang sumakop sa profile ng pangalang pinindot ko. At hinding hindi ako maaaring magkamali. This is Elaine. My best friend Elaine. My most trusted friend... Elaine. Sa tabi niya ay isang lalaking hindi ko naman kakilala. Isa lang ang tumining sa utak ko nang mapagmasdan ang lalaki.
"Parang si Conrad..." Utas ko at tiningnan pang maigi ang lalaki. Nakangisi ito na labas ang magagandang ngipin. Nakayakap ito kay Elaine habang si Elaine ay nakabaon ang ulo sa leeg nito. Pareho silang nakangiti sa camera. 'Yong ngiting ang saya saya.
Kumalabog ang dibdib ko. Boyfriend niya kaya ito? Walang nakalagay sa kanyang relationship status kaya hindi masagot ang tanong ko. Why would you post a picture of yourself with a guy hugging you? And most of all, why would you post it as a profile and cover photo?
Nag-scroll ako ng mga activities niya sa Facebook. Hindi na talaga ako mapakali. Habang nagbabasa ay tinitingnan ko rin ang mga date ng bawat post. Ang pinaka recent na status niya ay nilagay 'an hour ago'.
"I am so greateful for all the blessings I had. Thank you for giving me hope. #happygirl"
Sa ibaba ng status ay picture ni Elaine kasama ang kanyang pamilya. Masayang masaya sila roon. Pare-pareho silang nakasuot ng malalaking jacket at ang snow ay nasa paligid nila. Ngumuso ako dahil naroon na naman ang lalaki. Hindi naman niya siguro ito kapatid dahil wala siyang niyon. Wala naman siyang nakwento na mayroon siyang pinsan. Maybe a family friend or something. Pero... sa mga histura nila, parang hindi sila magkaibigan.
Wala sa sarili kong nilingon sa aking pintuan. Kung nakita ko na ito ngayon, paano pa si Conrad? I know he still cares. Kahit may Shayne na siya ay may pakealam pa rin siya sa kaibigan namin. Hindi man niya mabanggit pero ramdam ko. Ako nga itong akala ko ay sumuko na ay sumubok pa rin. Siya pa kayang... mahal si Elaine?
Ilang scroll pa ang aking ginawa hanggang sa tumigil na ito. Nalaman kong nung isang linggo lang siya gumawa ng bagong account. Marami na siyang post kahit ganoon. Puro status na nagpapasalamat siya sa Diyos dahil sobrang masaya siya. O kaya naman ay mga pictures kasama ang kanyang pamilya o di kaya ay ang lalaki. Sa tuwing makakabasa ng ganoon ay napapakagat labi ako. Ibig sabihin ba ay hindi siya masaya noon? Hindi siya masaya na kasama niya kami rito? She said she was happy now, how about before? Isn't she happy when she was with us?
BINABASA MO ANG
Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)
Teen FictionCeline Marie Ricaverte doesn't have to choose. Sa una pa lang naman kasi ay kilala na niya kung sino ang kanyang pipiliin pagdating sa dalawang lalaking hinangaan niya. It was just a simple crush. Pinagkukumpara niya ang dalawa minsan pero kahit na...