CHAPTER 1 — Kanta
Iba sa common seating arrangements na dalawang grupo at isang aisle lang ang sa amin. Tatluhan ang magkakatabi. Tatlong upuan sa gilid pagkatapos ay aisle na at kasunod niyon ang tatlo pa sa gitna, aisle ulit, pagkatapos ay tatlo ulit sa isa pang gilid. Nasa gitna kaming tatlo nila Lorenzo at Vans at nasa first row din. 36 lang kami sa section namin at pareho ang bilang ng babae sa lalaki.
“Since you are now in your final year, everyone is expected to have at least one organization and be an officer of your chosen org.” Ani Ms. Esperanza. Ang aming adviser.
Pangalawang araw pa lang ay marami rami na siyang sinasabing dapat namin gawin ngayong grade 12 na kami. Isa na nga itong magiging officer kami ng organization na sasalihan namin. May research kami sa Science, English, at Math subjects namin. Ang Science at English ay gagawin ngayong sem at ang Math naman sa second sem. Mas mahirap daw kasi ang Math Research kaya mag-isa lang iyon sa sunod ng semester. Bago mag-finals kada tapos ng sem ay kailangang matapos namin ito kundi ay hindi kami papasa.
May mga electives din kami at required kaming kumuha ng isa. Dahil grade 12 na rin kami, kailangan na naming magseryoso dahil hindi kami ga-graduate kung hindi.
Sinulyapan ko si Vans na tahimik lang na nakikinig sa aming teacher. Ingat na ingat akong 'wag niyang mapansin ang aking pagtingin pero nahuli rin ako.
Tinaasan niya ako ng kilay.
“Bakit?” Tanong niya.
Tumibok agad ang puso ko nang marinig ang boses niyang malalim at buo. Nagulat ako sa mga mata niyang itim na itim na parang doon niya tinatago ang lahat ng sekreto niya.
Sunod sunod akong umiling at binalik ang tingin sa dumadaldal na teacher namin.
“Masyadong maraming requirements.” Reklamo ni Lorenzo sa aking gilid. Tamad siyang sumandal sa kanyang upuan. Nakita iyon ni Ms. Espi ('yan ang nickname ng lahat sa kanya).
“Are you saying something, Mr. Fajardo?” Tanong ni Ms. Espi na agad nginisihan ni Lorenzo, alam na siya ang tinatanong at hindi si Vans.
“Nothing, Ma’am. Go on.” Tinaas niya ang kamay na parang pinapatuloy ang pagsasalita ni ma’am. Nagtawan ang ilang classmate namin sa kanya at ang mga babae naman ay kumislap ang mga mata sa kilig.
Sa tingin ko ay iyon din ang itsura ko nang makita ang matamis at nang-aakit niyang ngisi.
Hindi siya pinansin ng aming teacher.
Agad agad ang iwas ko nang lingunin niya ako.
“May org ka na?” Tanong niya sa akin, nakapangalumbaba.
What?!
Tumulala ako sa mukha niyang napakagwapo at sobrang perpekto. Parehas na parehas ang features ng mukha nila ni Vans. Ang pinag-iba lang ay may bahid ng magandang ngiti ang kay Lorenzo habang ang kay Vans ay palaging seryoso.
BINABASA MO ANG
Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)
Teen FictionCeline Marie Ricaverte doesn't have to choose. Sa una pa lang naman kasi ay kilala na niya kung sino ang kanyang pipiliin pagdating sa dalawang lalaking hinangaan niya. It was just a simple crush. Pinagkukumpara niya ang dalawa minsan pero kahit na...